Most memorable answers of Pinay beauty queens in beauty pageants

“No, I don’t feel any pressure right now.”

Natatandaan niyo pa ba kung sinong beauty queen ang nagsabi ng mga katagang ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ng publiko?

Hindi kaila sa marami ang reputasyon ng Pilipinas na grabe ang pagkahumaling sa beauty pageants.

Kaya naman kilala tayo bilang isa sa mga bansang major contenders pagdating sa malalaking international pageants, also known as the Big Four—Miss Universe, Miss World, Miss International, at Miss Earth.

Sa katunayan, pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming beauty pageant crowns.

Una ang Venezuela na may 23 pageant crowns, at tie sa ikalawang puwesto ang Pilipinas at USA na may 15 crowns.

Bukod sa pagiging source of pride, malaki rin ang ambag ng beauty pageant industry bilang source of entertainment sa ating mga Pinoy.

Kaya naman hindi malilimutan ng mga Pilipino ang unforgettable answers ng piling mga kandidata natin sa question-and-answer (Q & A) portion sa local at international pageants na kanilang sinalihan.

Nakaukit na rin sa bato ang mga pangalan ng mga kandidatang ito na nagbigay ng unforgettable answers na major fail, nakakatawa, o nakakatuwa.

JANINA SAN MIGUEL, BINIBINING PILIPINAS 2008

Sino ang makakalimot sa bibong performance ni Janina San Miguel sa Binibining Pilipinas 2008 pageant noong March 8, 2008?

Pagsalang niya sa Q&A portion, bungad na tanong sa kanya ng host na si Paolo Bediones kung nakakaramdam ba ng pressure ang noo'y 17 anyos na si Janina.

Kumpiyansang sagot ni Janina, “No, I don’t feel any pressure right now.”

Tanong naman sa kanya ng huradong si Vivian Tan: “What role did your family play for you as candidate to Binibining Pilipinas?”

Kalmadong naitawid ni Janina ang unang pangungusap, pero hindi niya ito napanindigan sa mga sumunod niyang pahayag.

Aniya, “Well, my family’s role for me is so important. Because there was, they was the one who’s very… Haha.

“I’m so sorry. My pamilee [family], my family…

“Oh, my god. I’m… I’m so sorry.

“I told you I’m so confident. Eto, uhm. Wait...” natawa pero kinabahan si Janina.

Paliwanag pa niya, “Sorry, guys. This was really my first pageant ever. Because I’m only 17 years old.

“And I did not expect that I came from… I came from one of the [top] 10, hmm...

“So, but I said, that my family is the most important persons in my life. Thank you.”

Sa kabila ng kanyang pagba-buckle, kinoronahan si Janina bilang Bb. Pilipinas-World noong gabing iyon.

Pero tatlong buwan bago siya sumabak sa Miss World 2008 pageant ay nagbitiw siya sa kanyang posisyon dahil sa personal na rason.

Noon lamang May 2020, naitampok si Janina sa film documentary na The Hidden Side of Philippines Beauty Pageants, kung saan isiniwalat niya ang diumano’y maruming kalakaran sa beauty pageant na sinalihan niya.

JEANNIE ANDERSEN, MUTYA NG PILIPINAS 1999 AND BINIBINING PILIPINAS 2001

Pero sabi nga ng pageant fans, "before Janina, there was Jeannie Andersen."

Markado rin ang performance ni Jeannie sa dalawang national pageants na sinalihan niya.

Una ay sa Mutya ng Pilipinas 1999 na ginanap noong April 24, 1999, kung saan nakaabot sa semifinals si Jeannie. 

Ang nagtanong sa kanya sa Q&A portion ay si Miss Universe 1969 Gloria Diaz.

Tanong ni Gloria: “What do you think would be more important for you—to be rich or to be beautiful?

Tila idinaan ni Jeannie sa kumpiyansa ang kanyang sagot.

“Your question is so hard, but I think I can answer it. Just give me a little more time to think,” na sinundan niya ng kabadong tawa.

"It is very important to be… wait. Ahm,” natigilan ang kandidata ng ilang segundo.

Inulit ng host na si Anthony Pangilinan ang tanong para kay Jeannie.

Itinuloy ni Jeannie ang pagsagot: “Ahm. I would choose beautiful.

"It’s not that you have to be beautiful outside, but also inside, right?

“So, it is very important to be beautiful than to be rich.

“What if you’re rich, but you have this bad attitude?

“So, it’s better to be beautiful in and out. Thank you.”

Hinirang bilang third runner-up si Jeannie noong gabing iyon.

Pero sino ang mag-aakalang pagkalipas ng dalawang taon ay mauulit ang ganitong senaryo.

Sumali si Jeannie sa Binibining Pilipinas 2001 pageant na ginanap noong March 10, 2001.

Nakapasok siya sa Top 10.

Sa Q&A portion, ang natapat na huradong magtatanong sa kanya ay si Gloria muli.

Hindi nalalayo ang tanong ni Gloria sa tanong niya niya kay Jeannie dalawang taon ang nakaraan.

Tanong ni Gloria: “If you were given a chance to choose, to become beautiful but not too smart, or very smart but not too beautiful? What would you prefer and why?”

Hindi agad nakasagot si Jeannie at pinaulit ang tanong kay Gloria.

Maririnig ang hiyawan ng audience.

Bungad ni Jeannie, “Well, ahm… quiet please,” dahilan para lalong maghiwayan ang mga manonood sa loob ng Araneta Coliseum.

“Well, I’d rather choose to be beautiful. Ahm, because to be beautiful, like ahm... it’s natural, but, ahm, being smart you can learn...

"You can learn from the experience, you can learn from a lot of things to be smart.”

Hindi nakakuha ng puwesto si Jeannie.

Wala ring update sa kandidata sa social media.

VENUS RAJ, MISS UNIVERSE 2010

Kilala si Venus Raj bilang drought breaker ng Pilipinas pagdating sa pinakaprestihiyosong international pageant, ang Miss Universe.

Simula kay Venus, lahat ng mga sumunod na kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe ay laging pasok sa semifinals o Top 5 o Top 3.

Bukod dito, naging “quotable” din ang naging sagot ni Venus sa Q&A portion noong sumali siya sa Miss Universe.

Pumasok si Venus sa Top 5 sa international pageant na ginanap sa Las Vegas, Nevada noong August 23, 2010.

Sa Q&A portion, ang nagtanong sa kanya ay ang Hollywood actor na si William Baldwin.

Ganito ang tanong, “What is one big mistake you think that you made in your life, and what did you do to make it right.”

Sagot ng Bicolana beauty, “In my 22 years of existence, there is nothing major, major, I mean, problem that I’ve done in my life, because I am very confident with my family with the love that they’re giving to me.

“So thank you so much that I am here. Thank you, thank you so much.”

Hinirang na fifth placer si Venus.

Napukaw ni Venus maging ang atensiyon ng American media dahil sa kanyang sagot.

Ilang araw matapos ang pageant, na-feature si Venus sa ABC World News Tonight news TV program.

Ang title ng news: “Miss Perfect?”

Ito ang introduction kay Venus sa report: “She was favored to win, expertly negotiating, platform heels and a bikini.

“And came the question. That question that stopped her inner stilettos.”

Inilarawan ang sagot ni Venus na “no answer, no crown.”

Pinagtutuunan ngayon ni Venus ang ministry work para sa mga kabataan.

Nakumpleto niya ang kanyang Master’s Degree sa Community Development sa University of the Philippines-Diliman noong 2017.

SANDRA LEMONON, BINIBINING PILIPINAS 2018

Hindi rin nakalimutan ng madla nang mabigo si Sandra Lemonon na masagot ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas 2018 pageant na ginanap noong March 18, 2018.

Nakapasok si Sandra sa Top 15.

Ito ang ibinatong tanong kay Sandra: “What are your insights on the government’s Build, Build, Build Program?”

Sa facial expression pa lang ni Sandra, bakas na wala siyang ideya tungkol sa programang ito.

“The insights of the government Build, Build Build Program...

“Actually, you know what, I studied so much for this Q&A, but sadly, that’s something I don’t know really much about.

“But at least I’m here trying to answer a good question. Thank you.”

Ngayong taon ay sumali muli si Sandra sa Miss Universe Philippines 2020 pageant at nakapasok siya sa Top 15.

Muli ay naging scene-stealer siya, hindi dahil sa sagot niya sa Q&A kundi dahil sa pag-iingay niyang may nangyari diumanong dayaan sa national pageant.

Nagbabala si Sandra na isisiwalat niya ang kanyang nalalaman, subalit dalawang buwan na ang nakalilipas, hinihintay pa rin ng pageant fans ang kanyang “pasabog.”

ALEXANDRA ABDON, MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2020

Hindi placer si Miss Manila Alexandra Abdon sa Miss Universe Philippines 2020 pageant noong October 2020, pero agaw-eksena siya.

Sa katunayan, maliban sa limang placers ng nasabing national pageant, tanging si Alexandra ang may recall ang pangalan.

Nakikipagsabayan din siya sa pagiging visible ng Miss Universe Philippines 2020 winners.

Naging viral si Alexandra noong preliminary interview pa lamang, ilang araw bago ginanap ang coronation date ng pageant.

Sa prelims interview, isa-isang tinanong ang halos 50 candidates ng series of questions na may time limit na 30 seconds kada tanong.

Doon pa lang, nag-stand out na si Alexandra dahil sa paraan niya ng pagsagot sa mga tanong.

Natural, prangka, at parang kabarkada lang kung makipag-usap siya sa mga judges.

“Wait, kailangan kong huminga,” bungad niya sa mga judges nang makarating sa presentation hall, matapos umakyat sa hagdan.

“Okay. Game,” sunod niya nang handa na siyang sumagot sa tanong.

Sa video ay bakas na naging "at home" ang judges dahil sa pagiging kuwelang sumagot ni Alexandra.

Sa unang tanong na “Tell us something about yourself,” walang pretensiyon si Alexandra.

“Kaya super natural kasi, basically, ganito talaga kami sa Manila, e, like, super hindi kami super nagpi-fake ng personality namin.

“Kung paano kami mag-dress up kaya minsan, most of the time, lagi lang ako naka-pajamas.

“Kaya yesterday I’m wearing a sweat shirt not like this [nagmuwestra sa kanyang semi-formal outfit] and then super mas comfortable ako without makeup.”

Pinutol ang pagsasalita ni Alexandra dahil natapos na ang 30 seconds.

“Easy ka lang sa pag-time. Parang nagugulat ako, e. Parang may galit ka yata, Sir,” hirit niya sa nagmo-monitor ng oras.

Dahilan ito para magtawanan ang judges at maging kumportable pa sa mga sumunod pang tanong.

Vocal si Alexandra sa kanyang naiisip na tila wala siya sa kumpetisyon na tagisan ng ganda at pagsagot.

Hindi siya nangiming magsabing itigil muna ang oras nang tanungin siya kung anong isang salita sa kanyang dialect ang nakikita niyang espesyal at ano ang kahulugan nito para sa kanya.

“Well, Manila, usually Tagalog lang naman so, ah, ano…" panimula niyang sagot.

“Di ako makapag isip. Wait. Wait lang. Pwedeng paki-pause yung time?”

Nang magahol uli siya sa oras, hiniritan niya muli ang taga-monitor ng time limit.

“Easy ka lang. Easy lang, Direk. Wag kang magalit sa akin, Direk. Ako lang 'to, Direk,” aniya.

Pagkatapos ng pageant, nagsunud-sunod ang paggawa ng netizens ng memes ni Alexandra.

Nagsunud-sunod din ang kanyang TV appearances sa mga programa ng major television networks.

Maram rin siyang online interviews.

Sinimulan na rin ni Alexandra ang pagkakaroon niya ng sariling YouTube account at pagiging aktibo sa social media.

MELANIE MARQUEZ, MISS INTERNATIONAL 1979

Sa listahan ng unforgettable quotes ng mga beauty queens na ito, nananatili pa ring classic ang sagot ni Melanie Marquez nang sumabak siya sa Miss International 1979 pageant na ginanap noong November 12, 1979. 

Noon ay 15 anyos lamang siya.

Tinanong si Melanie sa international pageant kung ipapa-insure ba niya ang kanyang legs ng multi-million dollars.

Sagot niya noon, “I won’t change my legs because I’m contented with my long-legged.”

Nakuha ni Melanie ang korona at siya ang ikatlong Pinay na Miss International.

Pinasok niya ang showbiz at sa paglipas ng panahon, nakilala siya dahil sa kanyang “quotable quotes” sa interviews na kalaunan ay ginawang libro, ang Melanism.

Sa ngayon, si Melanie ay 56 anyos na at nananatiling aktibo sa showbiz.

[ArticleReco:{"articles":["155844","155845","155849","155816"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments