Asam ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na makitang magkasama ang dalawang pangunahing road race organizers ng bansa sa muli niyang pagkahalal bilang pangulo rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling nitong Martes ng hapon.
Ayon sa Cavite Eight District Representative, nakikinita niya ang merger ng Air21/Ube Media Inc. (Le Tour de Filipinas) at LBC (Ronda Pilipinas) para sa pagsasagawa bikathon sa 2021.
Kasama sa radar ng opisyal sa papasok na taon ang kampanya ng bansa sa sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan, 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at 6th Asian Indoor and Martial Arts Games kung saan paglalabanan sa unang pagkakataon ang BMX.
Hangad din niyang na maisagawa ang national championships para sa road, mountain bike at BMX sa 2021 meron man o walapang vaccine kontra COVID-19.
“I am looking at Clark or Subic for the national championships for road and Tagaytay City for BMX and mountain bike,” panapos na sambit ni Tolentino. (Lito Oredo)
The post Ronda, Le Tour pag-iisahin first appeared on Abante Tonite.
0 Comments