NI: ARCHIE LIAO
Nang ihayag ng isang film outfit na si Toni Gonzaga ang gaganap na bida sa Pinoy remake ng 2001 South Korean romantic comedy na My Sassy Girl, iba’t-iba ang naging reaksyon ng mga netizen.

May mga nagsabing swak si Toni para sa nasabing role na ginampanan sa original ni Jun Ji-hyun.

May mga nagkomento namang matanda na raw si Toni at hindi na ito bagay magpa-cute kaya mas mabuti sanang ipaubaya na lamang niya sa younger stars ang nabanggit na role.

Bukod kay Toni, ang theater actor at komedyante namang si Pepe Herrera ang napiling maging kapareha ng aktres at napipisil gumanap sa papel na pinasikat ni Cha Tae-hyun.

May netizen namang nagsabing bagay sina Toni at Pepe dahil may chemistry sila.

Pero ayon naman sa nakararami, hindi nila feel si Pepe para bigyang buhay ang bida sa fictional novel ni Kim Ho-sik.

Hirit nila, tulad ni Toni, matanda na raw ito para sa role ni Gyeon Woo.

Dagdag pa nila, mas bagay pa nga raw sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez (AlemPoy) ang gumanap sa naturang remake ng Korean romcom.

Gayunman, producer pa rin ang masusunod kung sino bet nila na magbida sa pelikulang ito. Sa kanila pa rin ang final say.
Ang My Sassy Girl ay isa sa highest-grossing comedy of all time sa South Korea.

Nagkaroon na rin ito ng remake sa Amerika, Japan, India, China at Nepal.

The post Alessandra, Empoy mas bagay kesa Toni-Pepe first appeared on Abante Tonite.