Toronto inararo pa rin New York: Siakam binangko

Nagmaktol si Pascal Siakam sa laro ng Toronto sa Philadelphia noong Martes kaya hindi pa tapos ang match lumabas na ng floor makaraang ma-fouled out.

Kinastigo ng Raptors ang star forward, iniupo siya sa sumunod na laro ng Toronto sa New York nitong Huwebes.

Nasa bench ang 6-foot-9 Cameroonian pero hindi nakauniporme, itinakbo pa rin ng Raptors ang 100-89 panalo.

Si Norman Powell ang pinag-start ng Toronto sa small forward kasama sina Kyle Lowry, Fred VanVleet, OG Anunoby at Aron Baynes.

“Obviously, it was a disciplinary thing for an internal matter,” ani coach Nick Nurse sa pambabangko sa 6-foot-9 All-Star power forward na si Siakam.

Umiskor si VanVleet ng 25, nag-deliver si Lowry ng 20 points at 7 rebounds at tumapos si Powell ng 17 points.

Mula sa labas ng arc 17 for 52 ang Raptors.

Sa kabila ang hindi mahulog ang bola ng Knicks sa net mula long distance, inalat sa 3 for 36 shooting sa 3s. Sina Reggie Bullock at RJ Barrett ay 0 for 17 sa labas ng arc.

Binitbit ng 16 points at 10 rebounds ni Julius Randle ang Knicks. (Vladi Eduarte)

The post Toronto inararo pa rin New York: Siakam binangko first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments