GORGY RULA
Nag-trending ang ASAP Natin ‘To noong Linggo, Enero 24.
Pero pagdating sa ratings, patuloy pa ring umaariba ang katapat nitong All-Out Sundays (AOS) ng GMA-7, at halos ganoon pa rin ang nakukuhang rating ng ASAP.
Ayon sa AGB-NUTAM, ang nakuhang rating ng ASAP sa A2Z ay 1.4% at 1.9% naman sa TV5.
Ang AOS ay naka-5.8%.
Ang latest na narinig namin, may mga bagong mapapanood sa AOS sa darating na Linggo, January 31, dahil kailangan nilang makipagsabayan nang matindi sa katapat na programa.
Consistent ding 1.9% ang FPJ: Da King sa TV5, at 2% naman sa A2Z.
Ang replay episode ng Wagas ay 5%, at ang sumunod na Dear Uge ay 4.8%. Parehong sa GMA-7 napapanood ang dalawang programa, kasunod ng AOS.
NOEL FERRER
Maganda ring kunin ang social media component ng tapatang ito.
Dahil may headstart na ang ABS-CBN diyan at sa mobile connection ng TV5, I’m sure doon naman lalamang ang ASAP.
ASAP is gearing towards its 26th anniversary presentation by February, na kasabay ng birthday noon ni Martin Nievera nang simulan namin ang ASAP sa Delta Theater.
Balita ko mula kay Tito Jerry na ikaw rin, Tito Gorgy, meron ka ring sine-celebrate na anibersaryo kasabay ng ASAP.
Oh well, ikaw ang sine-celebrate namin ngayong Martes... Happy Birthday, Tito Gorgy!
Ngayong senior citizen ka na, sana’y ma enjoy mo na ang perks and discounts mo sa buhay. Mahal ka namin!
JERRY OLEA
Wagas at mapagpalayang 60th birthday, Tito Gorgy! Nawa’y sumaiyo ang all-out blessings ASAP!
Tuloy ang ikot at ikit ng mundo, at malay mo, malay ko... isang araw, si Johnny Manahan aka Mr. M na ang direktor ng All-Out Sundays ng GMA 7?!
Ipinagdiriwang ng GMA Network ang ika-70 anibersaryo, at tuluy-tuloy ang kanilang tagumpay.
Walang kalaban ang Kapuso Network sa game of ratings, maging sa commercial load. Waging-wagi!
Another milestone na ikinagalak ng mga Kapuso—sa loob ng pitong buwan, nakabenta ang digital TV receiver na GMA Affordabox ng isang milyong units.
Available ang GMA Affordabox sa halagang P888 lang at walang monthly fees na kailangang bayaran.
Kasabay ng pagdami ng mga Pinoy na may GMA Affordabox, patuloy ang paglawak ng digital broadcast coverage nito sa bansa.
Kamakailan lang ay dumagdag na ang Misamis Oriental (kabilang ang Cagayan de Oro City) at Camiguin sa coverage areas nito.
Mabibili ang GMA Affordabox sa appliance stores, mall, at online via the official GMA Store o sa Shopee at Lazada.
Mula 2021 hanggang 2023, asahan ang lalong pagtibay at paglakas ng Kapuso Network.
Magpapatayo ang GMA ng bagong gusali at state-of-the-art studios sa loob ng GMA Network complex sa Quezon City.
Ikinakasa na ang paglulunsad ng mobile digital TV receiver na GMA Now.
This will enable viewers to watch TV on the go for free with bonus interactive features.
Maliban sa main channel na GMA-7 at sa GMA News TV na maraming bagong programa na mapaglalagyan ng mga sobrang patalastas, andiyan ang digital channels ng Kapuso Network—Heart of Asia para sa Asianovela fans, Hallypop para sa Asian pop culture, at DepEd TV para matulungan ang mga Pilipino na ma-access ang blended learning program ng DepEd.
Ang GMA ang bagong tahanan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) para sa Season 96 hanggang 101. Kabilang diyan ang centennial (2024) ng unang athletic league sa bansa.
Siyempre pa, malaki rin ang budget ng GMA para sa content production.
Ngayon pa lang ay sabik na tayo sa paglipad at pakikipagbakbakan ng Voltes V: Legacy!
Mapapanood na sa Pebrero 7, Linggo, ang mas pinabonggang Centerstage. Kaabang-abang ang pasiklaban muli ng aspiring Bida Kids sa naturang singing competition.
Nabitin ang mga manonoood nang matigil ang show last year dahil sa COVID-19 pandemic. Sa comeback ng programa, ibibida ng Centerstage ang makabago nitong virtual set.
Para sa kaligtasan ng contestants at production team, wala pa ring live audience at isu-shoot ang performances ng contenders sa kani-kanyang bahay.
[ArticleReco:{"articles":["156288","156300","156297","156283"], "widget":"Hot Stories"}]
0 Comments