Plan B sana ng Terrafirma si Justin Baltazar sa PBA Draft ng Season 46, pero balik sa original choice ang Dyip ngayong nag-desisyon ang 6-foot-7 big man na huwag na munang mag-apply.
“Hindi muna po ako sasali sa draft,” kumpirmasyon ni Baltazar, 23, ayon sa ulat ng Spin.ph.
Kahapon ng 5 p.m. ang deadline ng submission ng application para sa virtual draft sa March 14.
Tatapusin muna ng tubong Pampanga ang natitira pang isang taon niya sa De La Salle, pero habang wala pang UAAP ay tuloy ang training niya sa Gilas Pilipinas pool.
Si Fil-Am Jamie Malonzo ang first choice ng Dyip sa top pick.
“’Pag pumasok ‘yung Baltazar, ‘yun ang mabigat doon. Kasi height is might pa rin sa basketball,” katwiran ni Terrafirma coach Johnedel cardel. “So, mag-ba-Baltazar kami. Kasi best talent ‘yun sa big man, eh.”
Nag-iba ang ihip ng hangin, buwelta sa original plan ang Dyip.
“Mag-Malonzo pa rin kami,” anang coach.
Pangatlong sunod na season na first pick ang Dyip, ginamit nila ang dalawang una kina CJ Perez (2018) at Roosevelt Adams (2019). (Vladi Eduarte)
The post Baltazar pinara Dyip first appeared on Abante Tonite.
0 Comments