Umiskor si John Wall ng 28 sa unang laro laban sa dating team at nilampaso ng Houston ang Washington 107-88 sa 75th NBA regular season game sa Toyota Center sa Texas Martes ng gabi.

No. 1 pick ng Wizards si Wall noong 2010, isang dekada rin siya sa Washington bago pinamigay sa Rockets kapalit ni Russell Westbrook.

Papasok ng break may 15 points at 4 assists na si Wall. Palamig siya sandali sa third bago muling humarabas sa fourth upang siguruhin ang panalo at nagbigay sab ago niyang kampo ng overall 7-9 win-loss record. Tilapon ang biktima sa 3-10.

Pangalawang laro ni Wall matapos lumiban ng lima dahil sa nananakit na kaliwang tuhod.

Napa-time out bigla ang Washington, humiyaw si Wall at pinukulan ng tingin ang bench ng kalaban bago dumiretso sa Houston side.

Parehong nabigyan ng technical sina Wall at Westbrook nang magsagutan.

Umayuda ng tig-20 points sina Oladipo at Eric Bledsoe sa Rockets.

Binanderahan ng 23 points ni Bradley Beal ang Wizards, tumapos si Westbrook ng 19 points, 7 rebounds at 11 assists. (Vladi Eduarte)

The post Wall pinasabog dating kampo first appeared on Abante Tonite.