Bianca balik palo sa Tate

Pabalik na sa Estados Unidos sa papasok na Linggo si Bianca Pagdanganan upang ipagpatuloy ang kanyang ikalawang taong kampanya sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021.

Makikipagtagisan ang 23-year-old, 5-foot-4, Quezon City native na pambato ng ‘Pinas sa 34 sa may 35 legs n6 world’s premier circuit simula sa $2M 2nd Gainbridge LPGA at Boca Rio sa Orlando, Florida sa February 25-28.

Nag-skip ang Gonzaga University alumna at former University of Arizona standout sa opening leg $1.2M Diamond Resorts Tournament of Champions nitong January 21-24 sa nasabi ring state.

Kinopo ng Pinay golf star ang 2020 Tour’s driving honor sa ginambala ng Covid-10 na rookie year niya, tampok ang a third place finish sa regular event at joint ninth sa major championship.

“Those made me good and confident,” lahad ng golfer na suportado ng ICTSI nitong Martes. “I’ll go for more Top 10s but I still have a long way to go.”

Naka-women’s individual at team gold medal sa 2019 Southeast Asian Games, team gold at individual bronze sa Indonesia 2018 Asian Games, at nag-2017 Philippine Ladies Open champion, kandidato rin si Bianca para sa top 60 Olympic rankings para sa 2021 Tokyo Olympics sa darating na July.

Good luck sa balik-LPGA mo Pagdanganan.

The post Bianca balik palo sa Tate first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments