Iron ayaw ipa-autopsy ng pamilya

Dalawang South Korean stars ang magkasunod na pumanaw. Parehong halos nagsisimula pa lamang ang kanilang career at nasa twenties sila.

Yumao sina Song Yoo-jung sa edad na 25 at ang rapper na si Iron sa edad na 29. Nakita na lamang ang duguan nitong katawan sa labas ng kanyang apartment. Pero ayon sa imbestigasyon ng mga Seoul police, wala naman daw trace na ito ay na-murder noong January 25.

Nadala pa ng security guard ng apartment complex ang body ni Iron sa emergency. Pero diniklara na raw itong D.O.A. (dead on arrival). Parehong pinaghihinalaan ng mga netizen na panibagong case ng suicide na naman ang naging sanhi ng kanilang kamatayan, pero, parehong walang kumpirmasyon ang mga pamilya sa cause of death ng dalawa.

Sa part ni Iron, na-involve ito ng ilang pagkakataon sa ilang scandal. Ang huli, noong December 2020 ,Meron umano itong sinaktan na isang estudyante. Kaya pinagpapalagay rin na baka depressed o may mga pinagdadaanan ang rapper.

Nagbigay ng statement ang police na makikipag-usap ang mga ito sa pamilya ng rapper para alamin kung papayag na maipa-autopsy ang bangkay. Nang sa ganoon ay magkaroon ng linaw ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Pero nagpa-interview ang kapatid na babae ni Iron. Sinabi nitong hindi na nila ipapa-autopsy pa.

Ayon dito, “From the start, our family had no intentions of carrying out an autopsy on Iron. We already completed the coffin rites (placing his body in the coffin) earlier this afternoon, at 2pm.

It’s heartbreaking to see articles saying that the police are discussing with the bereaved’s family to decide whether to conduct an autopsy or not, as well as other related speculation.”

Binigyang diin din ng kapatid ni Iron na hindi raw lahat ng balitang lumalabas sa mga article ay may katotohanan . Sinabi pa niyang ang estudyante na sinasabing sinaktan ng kapatid at pinalo ng baseball bat ay personal pa raw na pumunta ng wake at nagbigay ng respect sa kanyang kapatid.

“Heon Chul (Iron’s real name) had been in contact with the family up until recently. He was stressed about his music because he is a perfectionist, but he did not have any health problems.

“The student in question, relating to the December assault case, came to pay his respects to Iron today. There are many things that are different from what is made public, and the student does not have a bad relationship with us either. We hope you will refrain from writing speculative articles.”

Ang funeral ni Iron ay ginanap sa National Medical Center sa Seoul.

The post Iron ayaw ipa-autopsy ng pamilya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments