Magbabalik aksiyon na ang 2018 overall 3rd pick na si Robert Bolick para sa NorthPort Batang Pier.

Ito ang sinabi ni NorhtPort Team Manager at PBA Board of Governor Erick Arejola sa pagdalo nito sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kasama ni House Deputy Speaker at Batang Pier team owner Mikee Romero.

“He is very excited. He is now stronger and is raring to comeback for competition,” sabi ni Arejola.

Matatandaan na nagtamo si Bolick ng ACL injury sa kanang tuhod sa kalagitnaan ng PBA Governors Cup kontra San Miguel at agad itong isinailalim sa surgery na nagpahinto dito maglaro sa loob ng 10 buwan.

Matatandaan na nagtala ito ng game-high 26 puntos sa una nitong laro sa liga.

May dagdag pa itong tatlong rebounds at tatlong assists sa 36 minutong paglalaro para sa pagtatala sa franchise record for most points scored ng rookie sa unang paglalaro sa liga.

Pamumunuan nina Bolick, Christian Standhardinger at Sean Anthony ang NorthPort sa ika-46 season ng PBA na magbubukas sa Abril 9. (Lito Oredo)

The post Bolick matinik sa pagbabalik first appeared on Abante Tonite.