Tumabo ng 36 points, 4 rebounds, 3 assists at 3 steals si Stephen Curry at pinulutan ng Golden State Warriors ang dumayong Minnesota Timberwolves 130-108 Lunes ng gabi sa Chase Center.
Bumawi ang Warriors mula sa 127-108 loss sa Utah Jazz noong nakaraan.
Sa isang eksena ng Wolves game, papasok na sa court si Curry nang biglang matawa ng malakas.
Sumabog mula sa kanyang bibig ang tubig na ininom, na-delay ang game dahil kailangan pang patuyuin ang floor.
Matapos alpasan si Reggie Miller sa No. 2 ng all-time list ng 3-pointers made, nagtuhog na naman ng pito mula downtown si Curry.
Sa loob lang ng 4 minutes sa fourth quarter, naglista ang two-time MVP ng 15 points mula sa perpektong 3 for 3 shooting sa labas ng arc, 4 of 5 sa field at 4 of 4 sa free throws.
Umayuda ng 23 points si Andrew Wiggins, off the bench ay may 13 points si James Wiseman sa Golden State.
Namigay ng 11 assists si Ricky Rubio, karamihan dito ay sinubo kay Malik Beasley na nagtistis ng 30 points sa Timberwolves. (VE)
The post Curry, Warriors pinulutan Wolves first appeared on Abante Tonite.
0 Comments