Car seat sa 12-anyos pababa obligado na

Bawal nang paupuin ang mga bata na edad 12 pababa sa harapan ng mga pribadong sasakyan at sa halip ay kailangan silang nakaupo sa child restraint systems (CRS) o car seat simula bukas, Pebrero 2.

Ito’y kaugnay ng ganap na implementasyon ng Child Safety in Motor Vehicles Act.

Paliwanag ni Robert Valera, deputy director ng Law Enforcement Service ng Land Transportation Office (LTO), layon ng batas na protektahan ang mga batang kulan ng pribadong sasakyan sakaling magkaroon ng aberya o hindi inaasahang insidente.

Gayunman, nilinaw ni Valera na bagamat epektibo na ang batas ngayong linggo, hindi pa umano manghuhuli ang LTO ng mga lalabag hanggang sa susunod na tatlong buwan.

Base sa implementasyon ng batas na ito, ang driver na lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 sa first offense; P2,000 sa second offense; at P3,000 at isang taong suspensyon ng lisensya para sa ikatlo at susunod pang pagkakasala.

Tanging ang papayagan lamang ay ang mga kasong kapag ang bata ay nasa panganib gaya ng medical emergency. (Dolly B. Cabreza)

The post Car seat sa 12-anyos pababa obligado na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments