Bumitiw na makabalik pa sa 2020 Tokyo Olympics si 2016 Rio de Jainero Olympian marathoner Mary Joy Tabal na iniurong sa darating na July 23-August 8.
Ito ang ibinahagi ng 2019 PH Southeast Asian Games silver medalist at dating pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa PTV Sports nitong Linggo kung saan inilahad ang kanyang rason sa hindi paghabol sa ikalawa niyang sunod na quadrennial sportsfest.
“Ni-let go ko na ‘yung Tokyo Olympics if talagang go na siya for this year since all my postponed races dated from 2020 to 2021 are still on hold. Wala akong ma-join na confirmed marathon competitions na pwedeng mag-earn ng points going to Tokyo Olympics,” litanya ng 31-year-old, 4-foot-11 Cebuana runner.
Pero giit naman ng unang Pinay marathon runner, na lalagare pa siya ito sa iba’t ibang marathon eventss at puntirya ang 33rd Sumer Olympic Games 2024 sa Paris, France. (Janiel Abby Toralba)
The post Tabal sumuko sa Olympics first appeared on Abante Tonite.
0 Comments