"Charot": KC Montero replies to netizens saying Laugh Out Loud will soon be replaced by It's Showtime

Todo-depensa at tanggi si KC Montero sa mga nagsususpetsang tatapusin na ang TV5 daily noontime show Laugh Out Loud (LOL).

Pang-iintriga pa ng netizens, papalitan daw ba ng It’s Showtime ng ABS-CBN ang LOL?

Bukod kay KC, host din sa LOL sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, at K Brosas.

Hindi maiwasang itanong ito ng viewers at netizens matapos magpaalam sa ere ang tatlong programa sa Kapatid network.

Pagkatapos lamang ng tatlong buwan, tinapos na ang weekend musical-variety show na Sunday Noontime Live (SNL), romantic-comedy series na I Got You, at gag show na Sunday Kada.

Gumawa rin ng ingay na ang ipinalit sa SNL ay ang ABS-CBN musical-variety show na ASAP Natin ‘To.

Nagsanib-puwersa ang ABS-CBN at TV5 para magkaroon ng simulcast airing ang ASAP sa dalawang TV networks, gayundin ang Kapamilya movie block na FPJ: Da King.

Nagsimulang umere ang dalawang Kapamilya programs sa TV5 nitong Linggo, January 24, 2021.

IS LOL NEXT AFTER SNL?

May netizens na nakapansin na noong Sabado, January 23, “the best of” LOL ang ipinalabas.

Ibig sabihin nito, replay episodes ng noontime show ang inere.

Naintriga ang netizens kung susunod na rin ba ang LOL sa kinahinatnan ng SNL at dalawa pang TV5 shows.

Masipag sumagot si KC sa netizens nitong weekend upang itangging magpapaalam na ang kanilang noontime show.

Komento ng isang netizen: “Ayyyy, tatanggalin na rin ba kaya may pa best of episodes na nag show???”

Reply ni KC: We’re taping as you tweet.”

Pa-headline na tweet ng isang netizen (published as is): “Lunch Out Loud (LOL) Inalis, Tagal, Tsugi na! It’s Showtime sa tv5 ? Season Ender! Karma!”

Reply ni KC: “Nope.. we’re doing just fine. Back to normal on Monday.”

Tweet ng isa pa, tila paramdam na raw ang replay ng LOL. At sumundot ang isa na pati ang Rated Korina at Oh My Dad ay replay na rin.

“baka inuunti unti na!!!” sabi nito.

“Nope,” giit ni KC.

Kasunod nito ay humirit na ang netizens na baka sa susunod ay It’s Showtime na ang umere at ipalit sa LOL.

“Nope,” paninindigan ni KC.

Gaya ng SNL, I Got You, at Sunday Kada, ang LOL ay iprinodyus din ng Brightlight Productions, ang blocktimer production company sa TV5.

Ang Brightlight din ang producer ng dalawa pang TV5 shows: ang Rated Korina at Oh My Dad.

Pero sa anim na programang nabanggit, ang LOL lang ang show na directly produced ng Brightlight habang ang lima pa ay line-produced.

KC’S PREVIOUS "LIE"

Pero hindi nagpatinag ang netizens.

Binalikan nila si KC at ang ginawa niyang pagsisinungaling nang maging host siya ng Miss Universe Philippines 2020 noong October 2020.

Ito ay matapos mag-leak sa social media ang pagkokorona sa Top 5 bilang winners.

Sa pre-taped program ng pageant, ang limang grand finalists ay kinoronahan isa-isa bilang “winner” para matiyak na walang makakahula kung sino ang nanalo.

Maraming pageant fans ang nadismaya dahil sinubukan ng iba na i-preempt kung sino ang nanalo.

Bilang host, nag-tweet si KC at dumipensa at sinabing ang ibang kinoronahan ay wala sa Top 5.

Ito ang sinasabing “pagsisinungaling” ni KC dahil Top 5 ang kinoronahan.

Isinumbat ito ng netizens kaya hindi raw nila pinaniniwalaan ang sagot niyang “nope” na hindi matatanggal ang LOL.

Hamon naman ni KC, “Sige.. let’s see”

Pangungutya pa ng isa, “nope nang nope” si KC pero darating daw ang araw na ipapalit ang It’s Showtime sa LOL.

“Charot” tugon ni KC.

Samantala, nangatwiran naman si KC nang balikan ang pagsisinungaling niya sa national pageant

Paliwanag niya, “I lied on purpose to save the outcome of a pageant.

“I still don’t think it was wrong. The results were going to come out the next day so it’s not like I was trying to really get away with anything on just delay the outcome instead of let spoilers ruin everyone’s hard work."

Sumagot ang netizen at tinanggap ang paliwanag ng host. Pero iginiit nitong hindi siya masisisi ni KC kung hindi nito paniniwalaan ang sinabi niya.

May isang nangutya kay KC sa sagot niyang “nope” at sinabing lugi na si Albee Benitez, owner ng Brightlight Productions at tinawag pang “very low ng quality” ng LOL.

Sagot ni KC: “Damn, why so angry?”

Nagsasabi lang daw ng totoo ang netizen.

“You’re funny,” reply ni KC.

Ang Brightlight Productions ay pagmamay-ari ng businessman at former congressman na si Albee Benitez.

Aniya sa isang interview, mababang revenue at mababang ratings ang dahilan kung kaya’t tinanggal ang SNL sa TV5.

[ArticleReco:{"articles":["156307","156288","156301","156294"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments