Gretchen Ho, matagal ipinagdasal ang pag-alis ng ABS-CBN at paglipat sa TV5

Mainit ang pagtanggap ng TV5 at CIGNAL TV kay Gretchen Ho, ang former ABS-CBN host.

Opisyal siyang ipinakilala bilang bagong miyembro ng Kapatid Network ngayong Martes ng hapon, January 26.

Nagsimula ang TV career ni Gretchen sa ABS-CBN noong 2013. Pero makalipas ang pitong taon, lumipat siya sa TV5 na isang mahirap na desisyong ipinagdasal niyang mabuti.

Mapapanood si Gretchen sa dalawang news programs, ang The Big Story ng Cignal TV at sa Frontline Pilipinas, ang weeknight newscast ng TV5.

Natawa si Gretchen sa birong may bagong "Roby" sa kanyang buhay dahil siya ang makakasama ni Roby Alampay bilang co-anchor nito sa The Big Story.

May dahilan para matawa si Gretchen dahil kapangalan si Roby ng kanyang ex-boyfriend na si Robi Domingo.

Sa virtual welcome presscon na naganap ngayong Martes ng hapon, sinabi ni Gretchen na excited siya sa bagong kabanata ng kanyang television career.

“This is probably a more mature Gretchen Ho that you will be seeing and I’m looking forward to doing more stories and also to producing my own show.

“Yung bike drive ko kasi parang nagsimula na ako noon, bukod sa pamimigay ng bisikleta, nagdo-document din kami ng mga kuwento ng mga binibigyan namin ng bisikleta.

“So meron din akong digital work, meron din akong content production. So, excited ako to do the same thing and I think beyond that, I’m also excited to do sports and entertainment stories.

“Alam naman natin na yung recent developments dito sa Cignal at TV5, very exciting. Excited ako to continue on my mission, to cover those stories para mas mapaigting pa natin, maipakilala pa natin yung mga kuwentong yun.”

Ang ABS-CBN ang nagbigay kay Gretchen ng malaking oportunidad sa mundo ng telebisyon kaya bago lumipat sa TV5, tiniyak niyang nagpaalam siya nang maayos sa management at sa mga nakatrabaho sa kanyang former home network.

“Sobra akong grateful. It’s an understatement. I wouldn’t be here today without my former network ABS-CBN.

"Unang-una, they believed in me, that an athlete like me can transition successfully to broadcast world and they gave me my sport so much exposure," sabi ni Gretchen.

Dagdag niya, "Malaki po yung pasasalamat natin kaya nung nagpaalam po ako talaga, I made sure to go to them one by one and also talked to them.

"Matagal ko pong pinagdasalan din yung aking desisyon. Hindi po natin makakalimutan lahat ng natutunan natin sa ABS-CBN, I think they were able to give me a very good foundation and most of all, yung passion for the Filipino story.

"I think yun ang nakuha ko talaga and hindi ko makakalimutan lahat ng mga nakatrabaho from ABS-CBN Sports to ABS-CBN News, events to showbiz, entertainment.

"I was looking through photos recently and medyo trip down memory lane. Ang dami talaga so malaki ang pasasalamat ko sa ABS-CBN."

[ArticleReco:{"articles":["156288","156300","156297","156301"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments