Didal mula kalye palapit Olympics

Naidaos ang Modern Olympics tulad sa sports na wrestling dahil sa pagkakaroon ng giyera, at ang running o marathon ang nagpasimula sa makabagong mga event ng athletics.

Umusbong din ang ibang mga laro na kahit bago sa paningin ay matagal na ring isinasagawa at pinaglalabanan hind nga lang sa mga magaganda, tamang pasilidad o sports arena.. kundi sa kalye tulad ng skateboarding.

Dahil nilalaro lamang ng mga kabataan noon at ngayon, hindi pinapansin ang skateboarding bago na lang ito naitampok sa isa sa X-Games kung saan nagsama-sama ang iba pang mga mahihirap sports ng gaya BMX racing, bouldering at wall climbing.

Ang paglaki at paglobo ng popularidad ng mga disiplina na pinaglalabanan na sa X-Games ay sadya pang dinadayo ng mga kabataan. Ito ang naging daan upang ang ilang extreme sports ay isama na rin hindi lang sa Asian Games kundi maging sa Summer Olympic Games na rin.

Isa rito ang dating laro na pangkalyeng skateboarding na nagbigay prestihiyo at karangalan sa Pilipinas sa Indonesia 2018 Asian Games nang maka-gold medal si Margielyn Didal.

Isinama na ring pinakabagong regular medal sports ito sa PH 2019 Southeast Asian Games kung saan huling nagwagi ang Pilipinas ng mga pangunahin ding karangalan iba’t-ibang events.

Lumaki pa ang tsansa ng ‘Pinas na masungkit nang pinakaunang ginto sa Olympics dahil gaganapin na rin ang sports sa magkasunod na Tokyo 2020 o 2021 at Paris sa 2024 Olympics.

Sa kasalukuyan ay patuloy lang sa pagsasanay si Didal at mga katropa sa Daniel Ledermann, Kiko Francisco at Christiana Means upang mag-qualify at mapalakas ang gold ng bansa sa quadrennial sportsfest sa parating na July.

The post Didal mula kalye palapit Olympics first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments