Pelikula ni Meg Imperial na naapektuhan ng pandemic, maipalalabas na sa wakas

Dalawang pelikula ng BluArt Productions na parehong mula sa direksiyon ni Bona Fajardo at pinagbibidahan ni Meg Imperial ang halos magkasunod na ni-release at ire-release sa mga sinehan na nasa mga lugar na hindi saklaw ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Ito ay ang Steal na nagbukas sa selected cinemas noong January 22, 2021 at ang Sana All na mapapanood sa movie theaters sa February 5.

Hindi inilihim ni Meg na naapektuhan ng coronavirus pandemic ang Sana All kaya hindi natuloy ang playdate nito noong March 25, 2020.

In fact, mas naunang natapos ang shooting ng Sana All kesa sa Steal, pero ito ang unang ipinalabas sa mga sinehan.

"Mas nauna po itong i-shoot kesa sa Steal early last year,” sabi ni Meg sa virtual mediacon ng Sana All nitong Martes ng hapon, January 26.

"Siyempre, na-sad din kami for awhile na hindi agad maiso-showing. But we’re thankful na rin dahil sa lahat ng films naman, kailangan ng perfect timing, and I think this is the best time.

"It’s a feel-good film na mae-enjoy ng mga taong nag-stay for long sa mga bahay nila."

Kinakabahan si Meg sa nalalapit na cinema playdate ng romance-drama movie nila ni Arvic Tan dahil sa kasalukuyang sitwasyon na hatid ng COVID-19 pandemic. Pero excited siya na ipakita sa publiko ang project na kanilang pinaghirapan.


Si Arvic ang leading man ni Meg sa Sana All, pero una silang nagkasama sa Menor de Edad, ang launching movie ng aktres noong 2013.

Arvic Rivero ang screen name na ginamit ni Arvic noong nagsisimula pa lamang ang kanyang showbiz career.

Kahit matagal na silang magkaibigan ni Meg, hindi nagkaroon ng romantic relationship ang dalawa dahil may non-showbiz boyfriend ang sexy actress.

"Ever since naman nung ni-launch ako, nagkakaroon ako ng relationship, but hindi lang ako super open about it ‘coz I want to maintain the privacy.

"Hindi naman po taga-showbiz yung ibang nakarelasyon ko.

"Sa ngayon, may special someone ako in my life. I’m happy now,” pagtatapat ni Meg, pero hindi na niya binanggit ang pangalan ng kanyang boyfriend.

[ArticleReco:{"articles":["156322","156312","156307","156288"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments