JERRY OLEA
Bising-busy si Direk Joel Lamangan sa kabila ng pandemya.
Setyembre 7-14, 2020 syinuting niya sa Cavite ang pelikulang Lockdown (Kapit Sa Patalim), na launching movie ni Paolo Gumabao.
Nag-frontal dito si Paolo, maging sina Sean de Guzman, Dincent Lucero, Kristian Allene, Neil Suarez at Jeff Carpio.
Oktubre, nagka-COVID si Direk Joel kaya pinalitan siya nina Eric Quizon, Ricky Davao, at Perci Intalan bilang direktor ng Christmaseryeng Paano Ang Pasko? ng TV5.
Nobyembre, syinuting ni Direk Joel sa Quezon City (Mankind gaybar sa Timog Avenue) at Pampanga ang pelikulang Anak ng Macho Dancer (ANMD), na launching film ni Sean de Guzman.
Nagpasilip dito ng hotdog si Sean, maging sina Ricky Gumera, Miko Pasamonte, Neil Suarez, at iba pa.
Ang digital premiere ng pelikulang ANMD na iprinodyus ni Joed Serrano para sa kanyang Godfather Productions ay sa Enero 30, Sabado ng 9:00-11:00 p.m., sa KTX.
Disyembre, naging abala si Direk Joel sa promo ng MMFF 2020 entry niyang Isa Pang Bahaghari, at sa meetings para sa forthcoming projects.
Enero 23 at 24, Sabado at Linggo, nagsyuting na si Direk Joel ng pelikulang Silab sa Pampanga (Angeles City at Mabalacat). Tungkol ito sa crime of passion.
Love triangle dito si Jason Abalos, at ang mga baguhang sina Marco Gomez at Cloe Barreto na kapwa handang mag-frontal.
Enero 25, Lunes, nag-presscon para sa comeback movie ni Claudine Barretto, na ididirek ni Direk Joel. Tinatapos pa ni Eric Ramos ang script ng pelikula.
Si Eric Ramos din ang scriptwriter ng 13-episode mini-series ng Net 25 na pagbibidahan ni Francis Magundayao, ang Love From The Past, sa direksiyon ni Direk Joel.
Nang mainterbyu namin si Direk Joel sa presscon ng ANMD nitong Enero 21, Huwebes ng gabi, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City, sinabi niyang lima pa lang episodes ang natapos sulatin ni Eric ang scripts.
Enero 26, Martes, ipinagpapatuloy ni Direk Joel ang shooting ng Silab sa Lian, Batangas.
Para sa Pebrero, naka-schedule ang shooting ng pelikulang Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa na pagbibidahan ni Christian Bables.
Nabuo ni Direk ang script nito noong Marso hanggang Abril 2020 na nag-umpisa ang lockdown.
Nakadalawang casting call na ang pelikulang Burles (Ang Huling Sayaw) last year, pero wala pa silang nakuhang bida. Tuloy pa rin daw ito, sey ni Direk Joel.
“Meron pa rin. Meron pa rin. Nasa plano pa rin. Gagawin pa rin iyong Burles,” aniya.
Tinanggihan ni Direk Joel ang teleseryeng Paano Ang Pangako?, na Book 2 ng Christmaseryeng Paano Ang Pasko?.
Ipinaubaya na ni Direk Joel ang pagdidirek niyon kina Eric, Ricky, at Perci.
OK lang din kay Direk Joel na si Adolf Alix Jr. ang magdidirek ng pelikula ni Nora Aunor sa Godfather Productions.
Nagbiro ang line producer na si Dennis Evangelista na kesyo si Direk Joel ang magdidirek ng launching movie ni Monay Madrigal—ang comedy film na pinamagatang Monay.
Napaismid si Direk Joel, “Hoy! Hindi ako ang gagawa nun. Ayoko. Ayoko, ‘neng! Kahit i-offer sa akin, ayaw ko.
“Iyang Monay, ibigay na lang kay Al Tantay! Bagay iyon kay Al Tantay!”
Si Al Tantay ang nagdirek ng naughty comedy na Pakboys: Takusa, na kagaya ng Isa Pang Bahaghari ay entry sa 46th MMFF noong Disyembre 25, 2020 hanggang Enero 7, 2021.
Dagdag ni Direk Joel, “Kung buhay pa si Ben Feleo, bagay rin iyan kay Ben Feleo.”
Wala sa hinagap ni Direk Joel na mag-bread trip sa Monay.
Vegetarian ba si Direk Joel? Ano kaya kung ang launching movie ni Monay ay gawing Petchay?
GORGY RULA
Ang nakakatuwa kay Direk Joel, yung mga nabuo niyang istorya noong nagsimula ang quarantine ay maisasapelikula na ngayon.
Natatawa siya nang nakatsikahan namin sa pa-presscon kay Claudine Barretto dahil maganda raw ang kinalabasan ng mga nabuo niyang kuwento noong bagot na bagot siya sa bahay habang naka-quarantine.
Excited din siya sa gagawin niyang pelikula kay Claudine sa Borracho Films dahil finally maididirek na niya ang aktres sa pelikula.
JERRY OLEA
OK lang kay Direk Joel na nag-back out ang baguhang si David Schon sa ANMD. Pinalitan ito ni Ricky Gumera sa role bilang anak ni Jay Manalo.
“Iyong mestiso? Hindi sa ayaw niya. Hindi pa niya kaya. Hindi pa siya ready na ipakita ang nota niya,” matatas na lahad ni Direk Joel.
“Sa mga susunod siguro, pag nagkaedad, pwede na. Hindi pa niya kaya. Nirerespeto ko naman ‘yon.”
Si Marco Gomez na kasamahan ni Sean de Guzman sa all-male group na Clique V, pumasa sa casting call para sa Lockdown (Kapit Sa Patalim), maging sa ANMD, pero hindi tumuloy sa shooting.
Noon pa dapat magpo-frontal si Marco. Bakit mas pinili nitong sa Silab magtalop? Dahil ito ang bida roon?
“Payag siyang mag-frontal, pero ayaw niyang makipaghalikan sa kapwa lalaki. Hindi niya kaya,” paliwanag ni Direk Joel.
“Dito sa Silab, babae ang kaeksena niya, kaya payag siya.”
Paano pagkukumparahin ni Direk Joel sina Sean de Guzman at Paolo Gumabao?
Sean de Guzman (left) and Paolo Gumabao
Matalinhaga ang ngiti ni Direk Joel, “Aba, magkaiba sila. Dahil magkaiba ang kanilang...”
Masaya si Direk Joel para kay Sean na ikinontrata ng Viva Films para gumawa ng sandosenang pelikula.
“Tinanong ako ni Boss Vic [del Rosario] kung OK kunin si Sean. Sabi ko, oo, may potensiyal. Ikontrata niya,” rebelasyon ni Direk Joel.
Isa pang pagkakapareho ng mga pelikulang Lockdown (Kapit Sa Patalim) at Anak ng Macho Dancer ay ang gumanap na mama san... ang beteranong artista na si Jim Pebanco.
“Si Jim ang kumukuha ng role ko noong araw. Sa lahat ng macho dancer movie of my time, ako ang mama san,” mabining pagbuntong-hininga ni Direk Joel.
“Kay Lino Brocka, kay Mel Chionglo. Ako palagi ang mama san. Ibinigay ko na kay Jim! Ayoko na!”
Kumusta ang paghipo ni Jim sa kadakilaan ni Sean?
Tumikwas ang kilay ni Direk Joel, “OK siya, ‘neng! Mahusay siya. Mahusay siyang artista.”
Sino ang mahusay sa eksenang hipuan, si Sean o si Jim?
“Silang dalawa. Kasi, kung hindi mahusay, titilian ko, ‘neng. Mahusay!”
Matapos ang digital premiere ng Anak ng Macho Dancer sa Sabado night sa KTX, may susunod itong screening kung saan may pasabog na bonus.
“Yes!”
Anong pasabog iyon?
Umismid si Direk Joel, “Aba, hindi ko alam kung ano ‘yon. Hindi naman ako ang marketing niyan, ‘neng!
“Ang trabaho ko lang, magdirek, ano ka ba? Hindi ko alam ‘yon!”
NOEL FERRER
Direk Joel Lamangan may be the most prolific director sa local showbiz ngayong pandemic.
Ang pagtatrabaho at paggawa ng pelikula siguro ang kanyang paraan ng pag-aalaga ng kanyang mental health.
We wish our dear Direk Joel the best, basta ba hindi niya kakalimutan ang kanyang pangangatawan na subok na matibay pa rin, lalo na pagkatapos niyang dapuan ng Covid.
Ingat lagi, Direk Joel!
[ArticleReco:{"articles":["156316","156312","156306","156297"], "widget":"Hot Stories"}]
0 Comments