Gerald Anderson posts "RESPETO" in support of Sue Ramirez, Maris Racal; other celebs also react

Nakahanap ng kakampi sina Sue Ramirez at Maris Racal sa mga kapwa nila ABS-CBN stars at Star Magic talents kaugnay ng kumalat nilang fake nude photos.

Kahapon, January 26, kinondena nina Sue at Maris ang pagkalat ng mga in-edit na larawan nila sa social media.

Maging ang ABS-CBN ay naglabas ng official statement para almahan ang ginawang pambabastos sa dalawang aktres sa pamamagitan ng pag-alter ng kanilang mga larawan.

Nagpakita naman ng suporta ang mga kaibigang artista nina Sue at Maris.

Sa kanyang Instagram Story, ni-repost ni Gerald Anderso. kaugnay ng isyu nina Sue at Maris.

“RESPETO” ang tanging caption ni Gerald para sa kapwa Star Magic artists.

Ang Star Magic ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Naging magkatambal sina Gerald at Sue sa 2020 Kapamilya primetime series na A Soldier’s Heart.

Nag-post din ang Star Magic actor na si Javi Benitez, boyfriend ni Sue.

Nagpasalamat siya sa pagkaka-suspend ng isang netizen na posibleng may kinalaman sa pag-e-edit o pagpapakalat ng fake photos ng dalawang aktres.

Post ni Javi: “Thank you @twitter, and those who reported this.

“Let’s be vigilant so this doesn’t happen again for all the other future victims out there.”

Nakisimpatiya rin ang iba pang Kapamilya stars kina Sue at Maris.

Si Iza Calzado, umaasang matunton ng dalawa ang mga responsable sa fake photo at papanagutin ito.

Komento ni Iza: “Sue and Maris, I am so sorry to see this.

“I hope you find the people behind this.

“Thank you for using your platform, your voice, to try and put an end to this horrible, disgusting behavior.

“Hold them accountable so the may learn their lesson.”

Nagpakita rin ng suporta ang iba pa nilang mga kaibigan, gaya ni Loisa Andalio na housemate ni Maris sa Pinoy Big Brother All In.

“May karma sa mga yan [sad face],” ani Loisa.

“Ang tanga lang ng gumawa neto!!! [angry emoji,” komento ni Barbie Imperial.

“Manyak ampota,” sabi naman ni PBB Teen Edition 4 housemate Karen Reyes.

“q*qo, kawawa magulang gumawa neto,” sabi ng aktres na si Ella Cruz.

[ArticleReco:{"articles":["156323","156324","156329","156330"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments