Walang foul play sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito ang lumabas sa isinagawang medico-legal report ng Philippine National Police (PNP) na isinumite nila sa Makati Prosecutor’s Office.

Ayon sa konklusyon ng medico-legal report na lumabas sa social media, "Based on available information on hand, the manner of death is classified as natural death."

Ni-rule out sa nasabing report ang anggulong homicide na nauna nang isinampa ng Makati PNP sa piskalya.

Matatandaang sinampahan ng reklamong "provisional rape with homicide" ng pulisya ang mga naunang natukoy na respondents sa kaso ng pagkamatay ni Dacera.

Base pa rin sa medico-leagl report, ang rape at drug overdose ay hindi raw magreresulta sa pag-develop ng aneurysm.

Ang overdose at ruptured aneurysm ay dalawang magkaibang conditions at hindi raw parehong isama bilang cause of death ng isang pasyente.

Kung sakali man mayroong droga at alcohol sa katawan ni Dacera, ito raw ay "moot and academic" na.

Nakasaad pa sa medico-legal report: "The ruptured aortic aneurysm will remain the cause of death as shown in the autopsy findings. An increased blood pressure is the triggering factor for the ruptured aneurysm."

Incidental finding na lang umano kung mayroon ngang drug o alcohol sa katawan ng pasyente dahil kahit wala ang mga ito, maaaring magkaroon ng rupture kapag tumaas ang blood pressure mula sa iba't ibang "strenuous activities."

Ang pagsusuka o pagduduwal ay maaari rin daw makapagpataas ng blood pressure at mag-trigger ng ruptured aneurysm.

May undiagnosed hypertension din daw si Dacera. Patunay raw nito ang size ng kanyang puso na mas malaki sa normal bunsod ng chronic hypertension niya.

Nakita rin sa kidneys ni Dacera ang "glomerular hemorrages" na may kaugnayan din sa pagtaas sa kanyang blood pressure.

Ang medico-legal report ay pirmado ni Dr. Joseph Palmero, ang Medico-Legal Officer ng PNP head office. 

Ang unang inilabas ng pulisya na sanhi ng pagkamatay ni Dacera ay ruptured aneurysm. 

[facebook:https://ift.tt/2LYwk8H]

Sa February 3 itinakda ang susunod na pagdinig kung saan inaasahang maghahain ng kanya-kanyang counter affidavits ang respondenmts.

Kasama na rin daw na isusumite ang toxicology report ng PNP.

SODIUM CHLORIDE

Ayon naman sa mga abugado ng pamilya Dacera, hindi pa nila nababasa ang mga dokumentong kanilang nakuha sa preliminary investigation.

Ibabase raw nila ang kanilang susunod na hakbang sa mga dokumentong hawak nila.

Gagamitin daw nila ang lahat ng legal remedies na available para ipaglaban ang pagkamatay ni Dacera.

Hindi dumalo si Sharon Dacera, ina ni Christine, sa pagdinig.

Samantala, lumabas din daw sa pagdinig na ang mga nakuhang white substance sa hotel room ay sodium chloride o asin.

Ito raw ang resulta sa chemistry examination sa nasabing white particles. Hindi raw ito illegal drugs.

Sa panayam sa isa sa mga persons of interest na si Jake Esteron, sinabi rin nitong asin ang naunang tinukoy ng ilang respondents na powder drugs diumano sa party.

Ayon kay Jake, partner ng tequila ang lemon at asin kaya wala raw party drugs sa kanilang party.

Sa ngayon, hinihintay pa rin ng piskalya ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

SENATOR BATO DELA ROSA

Kahapon, January 26, nagdaos ng pagdinig ang Senado ukol sa kaso ni Dacera.

Para kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, dating hepe ng PNP, nagkamali ang pulisya sa paghawak sa Dacera case.

Dapat daw ay may managot dito. Kinuwestiyon ng mambabatas kung bakit inembalsamo agad ang mga labi ni Christine bago ito in-autopsy.

"Inembalsamo mo, contaminated na yung crime scene, yung body of the crime, talagang nilinis na 'yan.

"So, malaking kuwestiyon kung anong makukuha mo o result sa iyong autopsy after embalming.

"Ganun kasimple na procedure, e, papalpak tayo, e, nakakahiya."

Ayon naman sa PNP, inembalsamo nila agad ang mga labi ni Dacera dahil sa pandemya.

Galing din daw kasi si Dacera sa isang quarantine hotel, ang City Garden Grand Hotel sa Makati City, na isang accredited isolation facility ng Department of Tourism. 

[ArticleReco:{"articles":["156327","156322","156319","156307"], "widget":"Hot Stories"}]