Nagningning ang bituin ni Jomari Yllana nang mabuo ang grupong "Gwapings," ang pinakasikat na teenage boys’ group noong dekada 1990.
Kabilang sa mga miyembro nito ay sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jomari.
Kalaunan, isinali rin si Jao Mapa sa grupo.
Fast forward sa 2021, si Jomari na lamang ang pinaka-aktibo sa showbiz at pulitika.
FAMILY BACKGROUND
Ipinanganak si Jomari, o Jose Garchitorena Yllana, noong August 16, 1976.
Ang kanyang mga magulang ay sina Andres Yllana at Maria Veronica Garchitorena Yllana.
Lima silang magkakapatid, at tatlo sa kanila—Jomari, Anjo, at Ryan—ay sumubok sa showbiz at pulitika.
Ang dalawa pa niyang kapatid ay sina Robby at Paulie.
May tatlong anak si Jomari. Ang kanyang panganay na si Andre Yllana ay anak niya sa dating asawang si Aiko Melendez.
Binata na ngayon si Andre.
Ang dalawa pa niyang anak ay sina Ayrton at Fangio Yllana sa dating live-in partner na si Joy Reyes.
Ang ilan pa sa mga nakarelasyon ni Jomari sa showbiz ay ang first love niyang si Abby Viduya (na kilala rin bilang Priscilla Almeda), Ara Mina, at Pops Fernandez.
Nitong 2019, nagkabalikan sina Jomari at Abby.
EDUCATION
Nagtapos ng elementarya si Jomari sa Ateneo Grade School noong 1988.
Sa Kostka High School, Quezon City naman siya nagtapos ng high school noong 1992.
Hindi na nakapag-kolehiyo si Jomari dahil sa dami ng showbiz commitments niya noon.
Matapos ang kanyang stint sa Gwapings, naging drama actor at leading man sa pelikula si Jomari.
Pero nitong nakaraang 2016, nag-aral siya ng Public Administration sa UP National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) kasunod ng pagpasok niya sa pulitika.
Nasa ikalawang termino na bilang konsehal si Jomari sa first district ng Parañaque.
SHOWBIZ CAREER
Taong 1989 nag-audition si Jomari para sa clothing brand na Bench.
Pinalad naman siyang makasama sa campaign ng “Bench Bratts,” and eventually, naging endorser ng underwear line ng main brand na pag-aari ni Ben Chan.
Taong 1990, na-discover si Jomari ng talent manager-discoverer na si Douglas Quijano.
Isinalang siya sa audition para sa role na batang “Gabriel,” na karakter ni Richard Gomez sa pelikulang Hihintayin Kita sa Langit kasama si Dawn Zulueta.
Ipinalabas ang nasabing pelikula noong 1991 ng Reyna Films sa direksiyon ni Carlitos Siguion-Reyna.
Noong panahong ito, sumikat na ang trio ng "Gwapings" nina Jomari, Eric, at Mark Anthony dahil na rin sa kanilang presensiya sa iconic sitcom na Palibhasa Lalake ng ABS-CBN.
Simula nang ilunsad ang kanilang grupo, lalo na nung bigyan sila ng show, ang Gwapings Live!, ng GMA-7, naging household name ang tatlo.
Taong 1992, naging bida sila sa kauna-unahan nilang pelikula bilang grupo, ang pelikulang Gwapings: The First Adventure, directed by Jose Javier Reyes.
Naging leading man naman siya ni Joyce Jimenez sa Warat (1999), ni Mylene Dizon sa Gatas sa Dibdib ng Kaaway (2001), at ni Ara Mina sa Sagad sa Init (1998), Banatan (1999), at Minsan Pa (2004).
Napanalunan ni Jomari ang unang award bilang Best Actor sa pelikulang Kahit Kailan noong 1996 sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Dalawa naman sa mga pelikula niya—ang Diliryo (1997) at Sa Pusod ng Dagat (1998)—ay ipinalabas sa Toronto International Film Festival.
RACING AND OTHER VENTURES
Kasabay ng kanyang kasikatan sa showbiz, pinagtuunan din ng pansin ni Jomari ang kanyang hilig sa car racing bandang 1996. Pero taong 2002 ay nagpahinga siya sa pangangarera.
Bandang 2010, naging concert producer at promoter siya, at dinala rito ang YouTube sensation na si Marie Digby at ang mga Amrican Idol singers na sina David Cook, David Archuleta, at Kris Allen.
Taong 2013, binuo ni Jomari ang Yllana Racing Team.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2013, masayang-masaya ito dahil nakabalik siya sa race track.
“Masarap! Maraming-maraming trabaho. Maraming-maraming racing development.
"Every time we go out in the track, it costs a lot of money.
“We just cannot go to the track and practice because ang laking pera talaga.
"Yung ordinaryong labas na nakikita ninyo ngayon, this costs hundreds of thousands, millions of pesos.
“Yung lumabas lang yung kotse diyan at umikot lang, sa computation ko, maybe a hundred thousand per lap…maybe.
"Yllana Racing iyan.
“Kami ang nagpupondo and we have a long-term plan… to create a professional team, flagship Pilipinas not just for me but for others who believe in talent."
Noong November 1, 2014, pumangatlo ang actor-racer sa Super Race Championship, na ginanap sa Yeongam International F1 circuit, sa South Korea.
Lumaban ang aktor sa kategoryang Accent One Race V720.
Ang naturang kategorya sa 2014 Super Race ay sinalihan ng halos 35 Koreano, at si Jomari lamang ang nag-iisang Pinoy na naimbitahang sumali sa karerang ito.
JOMARI AS PUBLIC SERVANT
Taong 2016 pinasok ni Jomari ang larangan ng pulitika sa unang distrito ng Parañaque.
Masuwerte naman siya at sa unang takbo niya ay nanalo siya kaagad ng puwesto sa konseho ng siyudad.
Noong 2019, muli siyang tumakbo at nanalo ulit.
Sa panayam ng PEP.ph sa aktor-pulitiko noong 2019, naimpluwensiyahan siya ng kanyang kuyang si Anjo kaya pinasok din niya ang public service.
Saad niya, “Public service naman, calling naman iyan ng tao para sa tao.
“Kami sa City of Parañaque, kami ay nagmana kaming magkakapatid ng magandang serbisyo mula sa aming kuya.
"Dati namang vice mayor si Kuya Anjo sa Parañaque.
“Si Kuya Anjo served Parañaque for three terms—dalawang term na konsehal at isang term na vice mayor.
“Ano siya, e, tatak serbisyo ng Yllana at nakatatak naman talaga sa Parañaque.
“And kami naman, kami ang nagmana.
“Kung kakausapin ka ng tao at sasabihin sa iyo na, ‘Ikaw, Jomari, ang gusto naming mag-serve sa amin bilang konsehal,’ e, ano ba naman ang magagawa mo kundi tanggapin lang yung gusto ng tao, gusto ng nakakarami.”
Dalawang kumite ang pinamumunuan ni Jomari sa konseho ng Parañaque—Committee on Tourism, Culture, and History at Committee on Technology and Social Services.
Saad pa niya, "Matrabaho siya.
“Kaya rin ako nawawala sa showbiz, lalung-lalo na during my first term, hindi biro ang trabaho ng mambabatas, e.
“Ang trabaho naman ng konsehal, e, legislation, legislator kami, kami ang mga lawmaker.”
Nitong umiral ang COVID-19 restrictions sa bansa, nag-iikot daw sila sa kanilang mga constituents upang mamahagi ng ayuda at magpaalala na panatilihin at sundin ang standard health protocols.
RECONCILIATION WITH FIRST LOVE
Sa ngayon, muling bumubuo ng sariling pamilya si Jomari kasama ang kanyang "first love” na si Priscilla Almeda—na unang nakilala sa screen name na Abby Viduya.
Masalimuot ang naging relasyon nina Jomari at Priscilla noon, ngunit tila sa huli ay sila pa rin ang magkakatuluyan.
Sila marahil ang buhay na ehemplo sa kasabihang “first love never dies.”
Kuwento ni Jomari sa PEP.ph noong December 2019, “Madalas naming mapag-uusapan iyan, nire-recall nga naming dalawa iyan.
“Siguro, nabigyan kami ng pagkakataon na ma-meet namin ang isa’t isa na kung saan meron kaming sitwasyon na, in a way, magkahawig.
“And kami naman, we always had good vibes sa isa’t isa and good memories.”
Teenager pa lamang sila, noong kalagitnaan ng dekada 1990, nagkaroon ng relasyon sina Jomari at si Priscilla, na tinagurian noon bilang "Babaeng Gwaping."
Ngunit nagbago siya ng image—mula sa pagiging teen star ay naging sexy star sa titillating films.
Kalaunan, nilisan ni Priscilla ang Pilipinas at namuhay sa Canada kasama ang kanyang pamilya.
Nagkaroon siya ng tatlong anak sa dalawang nakarelasyong non-showbiz guys.
Paano muling nagkaroon ng komunikasyon sina Jomari at Priscilla matapos ang dalawang dekada?
Kuwento ni Jomari, “I think it was 2016 or 2015 na nag-uusap kami tungkol sa pulitika, buhay sa Pilipinas.
"Iyan yung time na nagpi-prepare naman ako for public office.
“And since then, nag-reconnect kami.”
Si Priscilla na ba ang gustong makasama ni Jomari hanggang sa pagtanda?
Humahalakhak na sagot ni Jomari habang katabi si Priscilla, “Oo, may edad na kami, e! Oo naman.”
Pagsang-ayon naman ni Priscilla, “Oo, totoo.”
Parehong 44 years old sina Jomari at Priscilla sa kasalukuyan.
Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Priscilla, sinabi nitong masaya siya sa balikan nila ng kanyang "first love."
Saad ng nagbabalik na aktres, “I’m happy with him.
“First love ko si Jom and we are given a chance to finally be together.
“We just mutually decided that it’s time for us to be happy.”
Dagdag pa niya, “Jom has always had a special place in my heart ever since we were 15.
“That has never gone away."
TV SHOWS
1991
- Palibhasa Lalake
1995-2000
- ASAP
2000
- Eat Bulaga!
- Kiss Muna
2001
- Kool Ka Lang
2002
- Sana ay Ikaw na Nga
2003
- Hawak Ko ang Langit
2004
- Te Amo
- Maging Sino Ka Man
2005
- Pablo S. Gomez’s Kampanerang Kuba
2007
- Mars Ravelo’s Lastikman
2008
- Palos
- Philippines Scariest Challenge
- Lovebooks Presents
2009
- Zorro
- Celebrity Duets: Philippine Edition
- Rosalinda
- Sana Ngayong Pasko
2010
- Immortal
- Claudine: Madrasta
- Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla
- Kapitan Inggo
2012
- E-boy
2013
- Indio
- Kakambal ni Eliana
- Juan dela Cruz
2014-2015
- The Half Sisters
MOVIES
1989
- Regal Shocker the Movie: Aparador
1991
- Hihintayin Kita sa Langit
- Emma Salazar Case
- Shake, Rattle, and Roll III: Ate
1992
- Gwapings: The First Adventure
1993
- Secret Love
- Bulag, Pipi, at Bingi
- Dino, Abangan ang Susunod Na…
- Gwapings Dos
1994
- Sobra Talaga… Over
- The Secrets of Sarah Jane: Sana’y Mapatawad Mo
1995
- Pare Ko
- Araw-Araw, Gabi-Gabi
1996
- Taguan
- Kabilin-bilinan ng Lola
- Mula Noon Hanggang Ngayon
1997
- Kahit Kailan
- Diliryo
1998
- Sa Pusod ng Dagat
- Sagad sa Init
- Sambahin ang Ngalan Mo
1999
- Banatan
- Warat: Bibigay Ka Ba?
- Bulaklak ng Maynila
2000
- Mahal Kita, Walang Iwanan
- Most Wanted
- Katayan
2001
- Gatas… Sa Dibdid ng Kaaway
2004
- Minsan Pa
- Sigaw
2007
- Enteng kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko… The Beginning of the Legend
2009
- Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie
2011
- Ikaw ang Pag-ibig
2012
- The Healing
[ArticleReco:{"articles":["148528","148390","99959","89675"], "widget":"Hot Stories"}]
0 Comments