Lovely sagana sa dilig

Nagpa-sample ng kanyang hotness ang Kapuso actress na si Lovely Abella.

Ito ang mabibistahan sa kanyang Instagram account.

Dito’y ibinalandra ni Lovely ang kanyang kurbada, ang wow niyang legs, at ang kanyang beauty.

Lalong lumutang ang kaseksihan ng aktres sa suot niyang one piece swimsuit.

Animo siya isang bulaklak na lalong namumukadkad ang ganda, dahil sagana sa dilig.

Swak naman ito kay Lovely dahil binubuhusan siya talaga ng pagmamahal ng kanyang mister na si Benj Manalo.

Kailan lang ay nagpakasal ang dalawa.

Pampabuhay ng dugo ng mga barako ang mga babaeng tulad niya. Mapanukso kasi ang kaseksihan ng aktres.

Kakaiba ang taglay na sex appeal ni Lovely. Para siyang magnet na humahatak sa member ng opposite sex.

Ang tipo niya ay isang babaeng mapang-akit na hindi nakakasawang pagmasdan ang kabuuan. (Nonie Nicasio)

The post Lovely sagana sa dilig first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments