Sina Kim de Leon at Lexi Gonzales ang pinakabagong love team ng GMA-7.
Official na ang love team ng Ultimate Male Survivor at First Princess ng StarStruck 7, na unang makikita sa bagong weekly romance-fantasy anthology ng GMA News TV na My Fantastic Pag-Ibig.
First test ng love team nina Kim at Lexi ang kanilang pagbibidahan na two-part pilot episode titled "Love Wars."
Magsisimula ito sa January 30, 2021, at ang second part ay sa February 6.
Sa naganap na Zoom media conference para sa My Fantastic Pag-ibig noong January 25, ikinuwento nina Kim at Lexi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members ng press kung paano nabuo ang kanilang love team.
Panimula ni Kim, “Una kaming pinag-pair ni Lexi sa comedy skit ng All Out Sundays. Bagay naman daw kami at nagkaroon na rin kami ng fans.
“Before po, di nila alam kung sino ang puwedeng maging love team ko, until ginawa namin iyong comedy skit sa AOS. Doon po parang nabuo.
"Maganda kasi iyong reaction ng audience pati na ng netizens sa amin ni Lexi, kaya excited kami sa love team namin."
Hindi rin daw inaasahan ni Lexi na si Kim ang ipe-pair sa kanya.
Aniya, “Hindi ko po ini-expect that it would be Kim. Kasi po, siya iyong Ultimate Male Survivor and parang automatic na si Shayne [Sava] iyong i-partner sa kanya dahil si Shayne po yung Ultimate Female Survivor.
“Siguro po may iba silang plans for Shayne kaya ako ang pinartner kay Kim. In fairness naman po, okey kami ni Kim and he surprised me. He is becoming a better actor na.”
KIM AND LEXI ON WORKING TOGETHER
Kahit na sila ay nagkasama sa StarStruck 7 noon, di raw close sa isa’t isa sina Kim at Lexi.
“Noong nasa StarStruck pa po kami, tingin ko noon kay Lexi, hindi niya ako kakausapin. Sobrang galing ni Lexi sa lahat. She’s very talented kaya intimidating siya. Natatakot kaming kausapin siya noon.
“Nag-usap lang kami ni Lexi noong iilan na lang kaming naiwan. Iyong wala ka nang choice kundi kausapin mo na siya kasi konti na lang kayo,” tawa ni Kim.
Pag-alala naman ni Lexi: “Hindi ko makalimutan kay Kim that time ay iyong pinakita niyang talent sa audition namin. Nagba-Batangueño siya, at the same time, nagpapatawa siya. Parang hindi ko na-make out kung ano ba iyong gusto niyang gawin? Ang awkward!
“At iyon nga, di rin kami masyadong nag-uusap noon. May kanya-kanya kaming groups noon, e.”
Ngayon daw ay close na ang dalawa kaya naging madali na sa kanila ang work noong nag-lock-in taping sila.
Ang sabi ng dalaga, “Kim kasi as a love-team partner, he's very gentle. 'Tsaka ano siya, masayang kasama. Nakakasundo ko siya sa maraming bagay and nagkakaintindihan talaga kami.
“Ano si Kim, e, parang may parts na alam na namin iyong gagawin even though hindi na namin kailangan pang pag-usapan like pagdating dun, nagagawa lang namin together.
“'Tsaka puwede na nga kami magbiruan. Noon kasi parang awkward kami sa isa’t isa. Naging open na rin kami ngayon at marami na kaming kuwentuhan. Mas ramdam ko na confident na si Kim sa sarili niya. Like what I said, gumagaling siya as an actor,” sabi ni Lexi.
Para naman kay Kim, isang blessing daw na maging ka-love team niya si Lexi.
“She’s a blessing. Alam namin kung gaano kagaling si Lexi at natutulungan niya ako sa mga scenes namin. Sobrang big help talaga siya.
“She’s my favorite person to work with. Nasabi ko na before, Lexi is very talented.”
Sa pilot episode na “Love Wars”, gaganap bilang star-crossed lovers sina Kim as Milos/Pido, a modern-day cupid, and Lexi as Lovelyn, isang dating app developer.
Nautusan si Milos na pigilan ang dating app na Matchmaker dahil marami lang daw ang maha-heartbroken at mawawala ang paniniwala ng maraming tao sa paghahanap ng true love.
Nagpanggap bilang si Pido si Milos at nakilala niya si Lovelyn.
Nakaramdam siya rito ng true love, pero hati ito sa nararamdaman niya kay Lovelyn at sa obligasyon niya bilang isang kupido.
Kasama rin sa episode sina Rodjun Cruz, Divine Aucina, Maey Bautista, and Mike Liwag.
[ArticleReco:{"articles":["156365","156391","156388","156383"], "widget":"Hot Stories"}]
0 Comments