Pacquiao dedma kay Spence

NGAYONG hinubad na ang World Boxing Association) WBA super welterweight title kay Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao, dedma na lang ang Pambansang Kamao kay unified ruler Errol Spence Jr. ng Estados Unidos.

Nitong Sabado opisyal nang inalis sa ulunan ng 42-anyos Pinoy ring icon ang nasabing korona dahil ‘inactive’ na sa pakikipagbakbakan kaya binansagan na lang siyang ‘champion in recess’.

Ngayong si Yordenis Ugas ng Cuba na ang may hawak ang dating korona ng fighting senator, dito na nakatuon ang pansin ni ‘The Truth’ Spence.

“All you needed was something that I want,” hamon ni Spence.

Agad namang bumuwelta si Ugas sa patutsada ng 30-anyos na boksingero.

“I have it [the WBA title]. We are going to do it for three online [sic] championships. Let’s give the fans a great fight. I’m ready,” sagot ng Cuban fighter. (Aivan Denzel Episcope)

The post Pacquiao dedma kay Spence first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments