
Kinasuhan ni Caloocan City 2nd district Congressman Edgar Erice ng cyber libel ang apat na kawani ng pamahalaang lungsod dahil sa social media meme gamit ang pekeng quote mula sa mambabatas.
Paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Law ang isinampa ni Erice sa Quezon City Prosecutors Office laban kina Marilou Santos Concon, Yvette Mari Cruz Hedreyda, Bernadette Belga Ignacio at Genevive Lyn Gozon Pineda na pawang empleyado ng lungsod na nakatalaga sa Community Relations Office, kaugnay ng mapanirang paglalathala sa kanilang Facebook page laban sa mambabatas.
Sa social media post ng mga kinasuhan, ginamit ng mga ito ang larawan ni Erice kasama ng isang hindi kilalang kausap “kunwari ng mambabatas.”
“Ah sir, may katanungan lang po ako sa iyo, ano pong strategy para manalo kayo sa eleksiyon?” tanong ng nakatalikod na kausap ng kongresista.
Ayon kay Erice, kailan man ay wala siyang inilabas ng ganyang pahayag sa kahit anong forum o interview kaya maliwanag na pagsira sa kanyang pagkatao ang layunin ng malisyogong social media post ng mga empleyado
Sa ilalim ng cyber liber law, ang sinumang mapapatunayang guilty ay posibleng makulong ng anim na taon at isang araw hanggang walong taon o prision mayor na posible ring lumawig hanggang sampung taon.
The post 4 Caloocan LGU staff sinampolan sa cyberlibel first appeared on Abante Tonite.
0 Comments