
SUSUBUKAN din ng Meralco ang kombinasyon ng dalawang tore sa frontcourt, isasabay kay Raymond Almazan si Mac Belo.
Loaded sa guards ang Bolts, pero ang starter na si Baser Amer ang niligwak para makuha si Belo mula Blackwater.
Kasamang ipinamigay si backup center/forward Bryan Faundo na galing din Elite bago napunta ng Meralco.
“We want to upgrade our frontcourt and unload extra players in our backcourt,” paliwanag ni Bolts coach Norman Black.
Sina Almazan at veteran Reynel Hugnatan ang ipinoposte ng Meralco.
Sa Pampanga bubble ng Philippine Cup, nag-average ng12.0 points, 4.3 rebounds at 2.3 assists si 42-year-old Hugnatan, nakapagsumite naman si Almazan ng 8.6 points, 6.9 rebounds bawat laro.
Bitbit ni Belo ang 11.4 points, 5.3 rebounds na output bawat gabi sa huling conference sa Bossing na kumuha sa kanya bilang top pick overall noong 2016 special draft mula sa Gilas.
May pantapat na si Black sa frontcourt ng mas malalaking teams.
Si Amer ang starting point guard ng Bolts sapol nang magretiro si Jimmy Alapag.
Umpisa sa susunod na 46th season, mas malamang na maging combo-guard na si Chris Newsome (VE)
The post Almazan-Belo tandem swak first appeared on Abante Tonite.
0 Comments