
MILDRED A. BACUD: Balik-trending ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Last Jan. 21 episode nila. Gumawa na naman ng record sa Kapamilya Online Live kung saan nakakuha ito ng highest viewership na 80, 000 plus.
Bukod pa ‘yan siyempre sa YouTube na umabot na ng milyon ang views.
Naging trending din ang eksena ng kamatayan ni Yassi Pressman na talaga naman heart-breaking. Although ang eksenang nakahandusay sila ni Cardo(Coco Martin) na sugatan, nag-aagaw buhay pero pinilit pa rin abutin ang mga kamay ay napanood na natin kina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa La Luna Sanggre. Nakakaiyak pa rin talaga at marami ang naapektuhan. Ibig sabihin lamang marami pa rin talaga ang nakasubaybay sa nasabing serye.
Pero sa kabila ng pagiging trending, may mga netizen pa rin ang nagtatanong kung hanggang kailan ba talaga sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano? Marami na rin kasi karakter ang namaalam. Tatlong leading ladies na nga ang nawala tulad nina Bela Padilla, Maja Salvador at last week lamang ay si Yassi Pressman. Apat na taon din naman siya sa naturang serye.
ROMMEL PLACENTE:Wala akong masabi mga ka-Cuatros sa tagal na sa ere ng FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS -CBN.
Mahigit limang taon na ito na napapanood sa telebisyon.Nagsimula itong umere noong September 28,2015 at mukhang wala pa ring balak ang Kapamilya network na tsugihin na ito.
May mga nagsasabi na sana raw ay tapusin na ito dahil nga sa tagal na.Pero, marami rin ang gusto pa itong mapanood,lalo na ang mga tagahanga ni Coco.Marami na ngang characters ang namatay dito. Si Cardo Dalisay na lang talaga ang matibay.
At least patuloy silang kumikita. Baka nga ‘yung iba ay ipinagdarasal na magtagal pa ito ng maraming taon sa ere para tuloy ang income nila.At may regular exposure pa sila.
Ang maganda lang din sa FPJ’s Ang Probinsiyano, gini-guest nila ‘yung ibang mga artistang walang trabaho o offer. At least nakakatulong sila,’di ba?
RODEL FERNANDO: Marami ngang haka-haka ang lumabas kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkatsugi ng karakter ni Yassi bilang si Alyana sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Pinaliwanag naman ng kampo ng aktres na marami kasing gagawing projects si Yassi. May mga pelikulang nakaline-up ito. Mahirap din talagang gumawa ng outside project kapag may teleserye ang isang artista. 2 to 3 times ang taping at dahil sa pandemic ay nakalock-in pa sila so hindi na talaga makakalabas.
Viva artist si Yassi at baka desisyon na rin naman ito ng management. Pero mga ka-Cuatros, 5 years na rin naman sa ere ang FPJAP, hindi ba dapat ay tapusin na rin talaga habang maganda pa ang rating nila. May mga importanteng karakter na rin kasi ang mga umaalis na indikasyon na hindi na nila kinakaya ang schedule ng taping. Wala na ring dapat patunayan ang hit na teleserye.
Kung sakali mang wakasan na ito ay hindi kahiya-hiya dahil nagtala naman ito ng pambihirang record sa makabagong panahon. Ibig ko sabihin sa ngayon kasi ay hanggang six months lang tinatagal ng mga serye sa tv at madalang ang umabot ng isang taon. Ito kasing FPJAP ay nagtagal talaga. Puwede na siyang mag-retire at kotang-kota na siya sa ratings, awards at kita.
ROLDAN CASTRO: Totoo naman ‘yun, sumusuko ang mga leading-ladies ni Coco at nananatili namang matatag siya.
Nawalan na ng franchise ang ABS-CBN 2, may pandemyang na pinagdadanan pero nandiyan pa rin ang show.
Naniniwala ako na hangga’t gusto ng mga mananood at may kumakagat na advertisers ay ‘wag patayin ito.
Hanggang hindi nauubos ang konsepto go pa rin. Hangga’t may bagong character ay keri naman na ipagpatuloy ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa daming walang trabaho ngayon sa mga Kapamilya, malaking bagay na merong show na nananatili sa ere.
O, di ba? pasok ngayon si Jane de Leon sa show at nabigyan din ng magandang exposure ang anak ni Jeric na si AJ Raval. Balita ko nga, may selosan factor ang dalawa na mapapanood sa nasabing serye.
Talbog!
The post Coco sinukuan ng mga babae first appeared on Abante Tonite.
0 Comments