Jake ‘laos’ agad

Nang mapanood noon si Jake Ejercito sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang ka-love triangle ng AlDub, marami ang na-excite sa kanyang presensiya.

After all, isa siyang showbiz royalty dahil produkto siya ng isa sa pinaka-influential clan sa showbusiness.

Pinag-usapan din ang first acting stint niya sa TAPE, Inc.na nasundan pa ng dalawang Lenten specials.

Pero, somewhere along the way, hindi nagtuloy-tuloy ang pag-imbulog ng kanyang estrella.

Sey ng mga basher, palaos daw agad si Jake.

Para kasi sa ilang observers, bantulot pa rin siya kung seryosohin ba talaga niya ang kanyang karera bilang artista.

Last year, naging opisyal na miyembro pa siya ng Star Magic pero may mga nagsabing tila nabantilawan na ang kanyang karera.

Walang nangyari sa kanyang pagpapatali sa Star Magic dahil pumutok ang pandemya.

Nabalitaan na lang na join na siya sa Sunday Noontime Live with Piolo Pascual, Maja Salvador at Catriona Gray na eventually ay hindi nagtagal dahil natigbak sa ere.

First exposure din niya sa isang full length movie ang kanyang MMFF entry na hindi rin masyadong napag-usapan.

Ngayon naman, kinaaliwan ng mga netizen ang kanyang Tiktik video kasama ang kanyang anak na si Ellie kay Andi Eigenmann.

Sey ng mga netizen, siguro raw it’s about time for Jake to reinvent himself para umingay ang kanyang karera. (Archie Liao)

Ellie mana sa ina

Pagkatapos na mag-viral ng Tiktok videos ni Ellie Eigenmann kasama ang kanyang dalawang daddy, with Jake, her biological dad and Philmar Alipayo, her stepdad, marami ang nagsasabing malaki ang potensyal nitong sumunod sa yapak ng ina.

This early, nakikita ang kanyang showbiz inclination dahil alam niya kung paano maghatid ng aliw sa masa.

Dawn rampadora sa pandemya

Kung ang ibang local celebrities ay kinakarir ang pagiging plantitos at plantitas sa panahon ng lockdown, may kakaibang hobby naman si Dawn Zulueta.

Ang pagbibihis o pagdre-dress up ang naging challenge sa kanya ngayong pandemya.

Aminado naman kasi siyang habang nasa homestay siya, naging libangan na niya ang panonood ng mga pelikula at serye sa digital streaming sites tulad ng Netflix at Apple TV.

Marami ang naaliw sa kanya dahil hindi niya pinalampas ang pagkakataon na magamit ang kanyang pagiging malikhain sa pamamagitan ng panggagagaya sa mga karakter na tumatak sa kanya.

“This is what happens after watching back-to-back period series in #Netflix!” sey niya.

Todo rampa siya at kinarir niya ang pagdre-dress up para nga naman hindi malosyang ang kanyang ganda sa pagkaburyong.

“[T]he #dressupgame is fun and would be a shame to let #quarantinelife waste away all my cosmetics, hair products, & wardrobe,” hirit niya.

Marami ang humanga sa kanya dahil sa eleganteng pagsusuot niya at pag-aayos bilang Cora Crawley ng Downton Abbey, Beth Harmon ng The Queen’s Gambit, Queen Elizabeth II at Princess Margaret, ang kontesa ng Snowdon sa The Crown, Lady Whistledown ng Bridgerton, Diana, Princess of Wales sa The Crown at Grace Kelly sa Grace from Monaco.

Katunayan, may mga pagkakataon ngang mas maganda pa siya sa karakter na kanyang pino-portray o drini-dress up.

The post Jake ‘laos’ agad first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments