
MILDRED BACUD: As of of this writing mga ka-Cuatros ay 1 million views na ang video na inupload ni Vice Ganda sa kanyang YouTube. Naglabas siya ng saloobin sa paglayas ni direk Bobet Vidanes sa ‘It’s Showtime.’ 16 hours ago lamang ‘yun ha. Ganon karami ang tumutok. Nag-swimming sina Vice, Ion Perez at Ryan Bang sa bahay ng una. Sa steam bath ay nagkaroon ng question and answer ang tatlo na ang topic ay nagtatanong si Vice sa dalawa ng ugali ng mga kasamahan nila sa nasabing show at pangalanan nila kung sino. Sa dulo ng pag-uusap nila ay naging seryoso dahil dito na sila naglabas ng saloobin tungkol sa pag-iwan sa kanila ni direk Bobet sa show.
Nagulat daw si Vice dahil hindi niya talaga alam ang naging dahilan ni direk. Rebelasyon pa niya, ” Di ko alam kung alam niyo o hindi kasi personally hindi ko alam. Kasi nu’ng nag-usap usap tayo sinabi naman niyang lahat. Nagulat, nagtaka nagtanong tapos tinext ko siya na usap kami para lang maintindihan ko di ba pero hindi niya ako sinagot para man lang alam ko o isa man lang sa atin may alam ‘yung totoong rason. Kasi ‘yung rason ‘yun yung sinabi niya sa management pero ‘yung personal wala naman siyang kinausap sa atin .”
Dagdag pa ni Vice,” After 11 years di ba kung meron man tayong bahagi dun sa dahilan niya para umalis sana nalaman man lang natin di ba at kung isa man lang sa atin ang dahilan kung bakit siya umalis sana alam natin para napag-usapan kasi kung meron man bakit hindi napag-usapan for 11 years. Tapos biglang pak.”
Kung ano man daw ang naging dahilan ni direk ay sana napag-usapan at kung talagang family daw sila ay baka nagawan ng paraan kung ano man ang naging problema. Kaplastikan daw kung sasabihin ni Vice na hindi siya na-offend sa naging desisyon ni direk,” Naloka rin ako. Ano ‘yun ganon lang? Walang sabi sabi. Nanggaling pa tayo sa 11th anniversary na may tsika pa tayong walang iwanan tapos after few days anong nangyari sa pangako. ‘Yun lang. Hindi ko alam kung paano siya i-judge. Nakakahinayang ang samahan 11 years. “
ROMMEL PLACENTE:Hanggang ngayon pala ay palaisipan pa rin kay Vice Ganda kung anong tunay na dahilan at iniwan ni direk Bobet ang show nilang ‘It’s Showtime.’
Sa tanong nga ni Vice kung anong naramdaman nina Ion at Ryan sa pag-iwan sa kanila ni direk Bobet, ang sabi ni Ryan” Ako siyempre ang sakit tapos naiyak ako. Kasi tatay natin sa show. Dapat walang iwanan kasi isang pamilya tayo. Kaya nga nasaktan lang ako. Na-miss ko lang siya kasi iba ‘yung samahan natin.”
Agree naman si Vice sa sinabing ‘yun ni Ryan. Imposibleng hindi raw ma-miss ni Ryan si direk Bobet dahil tatay-tatayan niya ito.
Ang nami-miss pa raw ni Bang kay direk Bobet ay ang times na nakakasama nila ito sa maraming lakaran Ang dami raw nilang memories sa nasabing direktor. Sa tanong naman ni Vice kay Ryan kung na-offend ba ito sa ginawa sa kanila ni direk Bobet,ang sagot ng Koreano “Hindi naman ako na-offend kasi tinry ko talaga na maintindihan side ni direk.”
Ano ba side ni direk,inexplain ba sa inyo? Balik tanong ni Vice,na ang sabi ni Ryan, “’Yung side kasi ni direk siguro may pinagdadaanan sa pera. Kasi ako wala naman akong totoong anak eh. Nakakaiyak at nakakalungkot.” Sundot na tanong ni Vice, “Nalaman mo ba kung bakit siya umalis? Nasabi ba niya sa ‘yo ‘yung rason niya kung bakit siya umalis? “Basta alam ko kailangan niya kasi marami siyang binabayaran. As father siguro kailangan niya,”sabi ni Ryan.
So, base sa mga naging sagot ni Ryan kay Vice,pera ang ugat ng pag-alis sa Its Showtime ni direk Bobet. So, ibig kayang sabihin nito na mas malaki ang talent fee na nakuha ni direk Bobet sa Brightlight Productions kaya nagawa niyang lumipat na lang dito?
RODEL FERNANDO: Lahat talaga ng mga host sa ‘It’s Showtime’ ay nagulat at nasaktan kasama na si Ion Perez. Nang tanungin nga siya ng jowang si Vice kung ano ang reaksyon niya, sagot niya, ” Nanghihinayang ako, nagulat at medyo nagtatampo siyempre.”
Going back to Vice sabi niya ay tinext niya si direk Bobet at dinedma lang ito. Hindi siya sinagot. Bakit kaya mga ka-Cuatros? Hindi kaya may sama ng loob sa kanya? May sinabi rin kasi si Vice na sana nalaman man lang daw nila kung naging bahagi ba sila sa pag-alis ni direk. Sinabihan pa nga raw ng TV host ang mga kasamahan na hindi puwedeng mawala si direk at dapat mapigilan ito.
Sabi pa ni Vice kay Ryan, ” Siyempre kung may pipiliin naman tayong direktor, walang iba kundi si direk kasi tatay-tatayan natin di ba. Parang nanay mo na kahit hindi kayo magkasundo, nanay mo ‘yan eh so ganundin na kinalakihan ko na ang ‘It’s Showtime’ na siya ‘yung tatay ko.”
To be fair din naman kay direk Bobet, naniniwala ako na naging mahirap din ang naging desisyon niya. Sa sinasabi ni Ryan na ama kasi si direk at kailangan niyang mag-provide as a father, understandable din naman. Pero hindi mo rin mapipigilan ang ibang tao na sabihan siyang walang utang na loob dahil nga nagbitaw siya ng salitang hindi niya iiwan ang ‘It’s Showtime’ kahit magdildil na lang sila ng asin o magsaka na lang. By the end of the day mga ka-Cuatros, maliit lang ang showbiz at lahat naman ng sugat hinihilom ng panahon. Baka isang araw maging okey na ang lahat.
ROLDAN CASTRO: Naiintindihan ko si direk Bobet kung para sa obligasyon sa pamilya ang dahilan ng paglipat niya. Hindi natin siya masisisi kung naging pratikal ang desisyon niya.
Ang samahan at turingan na parang magkakapamilya ay keri naman kahit hindi na magkakasama sa show. Hindi ‘yan mawawala at nandiyan lang ‘yan basta’t sincere sa isa’t isa.
Kumbaga, trabaho lang at walang personalan.
Dapat lang siguro nagpaalam nang maayos si direk sa mga kasamahan sa show para wala nang hugot na naglalabasan gaya nito.
Siguradong hindi madali kay direk Bobet ang pag-iwan niya sa ‘It’s Showtime’ lalo’t baby niya ito. Pero hindi rin kailangang pigilan kung gusto niyang mag-grow at isipin ang kapakanan ng kanyang mga anak. Actually, sumugal din siya dahil hindi natin alam kung magtatagal din ba ang nilipatang niyang show.
Pero isipin natin na ‘di hamak na malaki ang kinikita ng mga host ng show at malaki na ang naipon kaya hindi sila umaaray kahit natapyasan sila ng TF. Kaya nilang mag-stay sa show.
Bukod dito, may intriga rin na hindi na umano matagalan ni direk ang pa-superstar na nakikialam sa kanilang show. Siya ang director pero how true na may host na madiwara at nakikialam sa takbo ng programa?
‘Yun laman.
0 Comments