Munzon, Malonzo aayawan ng Gilas

Pangalan nina Joshua Munzon, Jamie Malonzo at iba pang Fil-Ams ang lumulutang na top five picks sa PBA Season 46 Draft.

Kumpirmadong magkakaroon muli ng Special Draft bago ang regular proceedings sa March 14 online, pakikinggan ng PBA Board ang pitch ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kung ilang players ang kukunin na ilalagay sa Gilas Pilipinas.

Noong 2019, lima ang kinuha sa Special Draft – Isaac Go, Rey Suerte, Matt Nieto, Allyn Bulanadi at Mike Nieto.

Mas malamang na lima rin ang kukunin ngayon.

At hindi malayong magpa-pass sa Fil-Ams sa special draft para iwas sa problema pagdating ng FIBA tournaments.

May players na nasa kategorya ng Fil-foreigners sa Pilipinas, pero pagdating sa FIBA ay hindi papasa tulad nina Stanley Pringle at Christian Standhardinger na parehong makakalaro lang pero bilang naturalized player.

Kaya sa homegrown talents ikakahon ang Gilas draft.

Posibleng hindi na lumayo sa mga Gilas cadet tulad nina Cavlin Oftana, Jaydee Tungcab at Will Navarro.

Ibabalik sa kani-kanilang mother teams ang mapipili sa special draft kapag tapos na ang termino sa national team.

“We will choose from the existing draft who qualifies for the national team,” ani SBP president Al Panlilio, kinatawan din ng Meralco sa PBA Board. (Vladi Eduarte)

The post Munzon, Malonzo aayawan ng Gilas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments