Ion ‘magtataksil’ kay Vice

Kahit pa umaarte si Queen Bayot Vice Ganda na secure siya sa relasyon nila ni pambansang escort Ion Perez think again.

Pangmalakasan na ang balita na may gagawing pelikula ang lalaki sa buhay ni Jose Marie. Yes oh yes, ang kaakit-akit at millennial Eba na si Sunshine Guimary ang makakapareha ni Perez sa movie na “Kaka.”

Sa ngayon, alam na ni Queen Bayot na may kissing at love scenes na gagawin ang kanyang jowa. Kalingkisan at kalaplapan ni Ion in a major, major way si Sunshine na ayon sa kanyang chika sa mga pralala, gagawin ang lahat sa kanyang launching film.

Ano ito? Pag sinabing hubad? Hubad nga ba talaga si Guimary? Pag inutos na tuwad, tutuwaran niya kaya si Perez?

At paano kaya ang magiging damdamin ni Ion the moment magkiskisan ang mga balat at laman nila ni Sunshine? Pag nagdikit ang labi nitong malambot sa kanyang mga labi at kung sakaling agresibo ang babae, bigla nitong inilabas ang dila at iniskerima ang kay Perez, lalaban rin kaya ito? Paano kung biglang magalit ang dapat magalit, masasabi ba nating ang natural na reaksyon ay isang ‘pagtataksil’ kay Vice Ganda?

Oo, confidently beautiful pa ang kabogable star sa ngayon dahil hindi pa gumigiling ang kamera. Ang pagiging isa sa ,mga leading men ni Sunshine, ang susubok sa pagmamahalan at relasyon nina Viceral at Perez.

Magkakalam na kung gaano katatag at katibay ang kanilang dalawang taong relasyon. At kung sakali mang marahuyo si Ion Perez kay Sunshine Guimary, must we take it against him lalo na nga’t lalaki siya at magandang dilag si Guimary?

**

Kris patok ang gimik

Malapit na ang kaarawan ni Digital Empress Kris Aquino at of late, ang mga ginagawa niya sa kanyang social ,media sites, patok na patok.

Bahala na ang mga panatiko niya kung bet nila na sa jojowain at trotropahin vlog niya ay pasok sa banga bilang jojowain sina Willie Revillame at mga senador na si Bong Go at Trillanes.

Hindi ko na babasagin ang trip ni Krissy dahil nasa demokrasya naman tayo. Birthday na niya ilang kembot at kandirit pa kaya love, love, love na lang ang ating pairalin.

This proves na talagang relevant at in na in pa rin si Kristine Bernadette. At kahit pa nga sooner than soon eh sa province na siya titira ,alam nating mas marami siyang pasabog na vlogs for sharing. Parang kakabugin niya ang “The Simple Life” ni heiress Paris Hilton at daughter of a singing icon Nicole Richie sa vlogs niya about her provincial life.

**

Bea nagpaliyab sa bikining itim

“Ocean breeze” ang caption ni this generation’s superstar Bea Alonzo sa isang larawan niya sa kanyang IG account. At ang nakakaloka, habang tinitipa ko ang pitak kong ito, may 446.129 and counting ang nasabing “best picture” niya.

Si Anne Curtis-Heussaff nga ay “So pretty naman” ang reaction sa larawan kung saan masisilayan si Alonzo na naka-once piece bikini.

At all womanly ang katawan ni Bea, malaman pero hindi lumba-lumba, curvy at bet na bet ng mga homme na Pinoy na there is more to her to love and hold.

Ang tanong, sino ang photographer na kumuha sa kanyang pagmamaganda sa tabing dagat? Is your guess as good as mine at itatago ba natin siya sa pangalang Dominic Roque? Naku ha, kung si Roque ang nag-capture ng kanyang imahe, parang may future ito na maging photographer.

Mag-fashion at pictorial photog na lang kaya siya at baka dun siya mas sumikat. Alam naman natin na sa kasalukuyan na neither here nor there ang karera ni Dominic and the only reason why people are talking about him now kasi sa association niya with Bb. Phylbert Angelle Fagestrom na siyang tunay na name nitong si Alonzo.

At dahil nga more “damn hot” ang comments sa pa-bikini photo ni Bea Alonzo, makaka-asa ba tayo na mas marami pa siyang ganitong payanig sa mga susunod na araw? Kaabang-abang!

The post Ion ‘magtataksil’ kay Vice first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments