
ROMMEL PLACENTE: Alam naman natin mga ka-Cuatros na nagsimula si Joshua Garcia bilang teen housemate sa Pinoy Big Brother All In noong 2015. After niyang lumabas ng Bahay Ni Kuya, isinalang na siya agad sa pag-arte.
Last year ay walang nagawang serye si Joshua at hanggang ngayon ay wala pa rin tayong nababalitaang may gagawin na siyang serye uli. Sa ASAP Natin ‘To muna siya napapanood na sumasayaw. In fairness,mahusay namang sumayaw ang batang aktor.Naging member kasi siya rati ng Batanggas Cultural Group. Kaya lang kahit gaano siya kagaling sumayaw, ay nagkakamali rin siya which is nangyayari naman talaga sa mga dancer. Pero sa bawat pagkakamali niya ay napupuna siya ng kanyang mga basher.
Sinasabi nila na umarte na lang siya dahil mahusay naman siya sa acting department.At least,alam ng mga kritiko niya na may ibubuga talaga siya sa pag-arte. Kelan nga kaya mabibigyan uli ng serye ng Kapamilya network si Joshua?
Sa tingin ko mas bagay talaga sa kanya ang umarte.Mas nakilala naman siya bilang isang dramatic actor kesa dancer,di ba? 2019 pa ang huling serye ni Joshua,sana ay masundan na ito
At suggestion ko lang sa Dos,kung bibigyan nila ng serye uli si Joshua, ay ‘yung wala nang kapareha o yung hindi na siya hanapan ng bagong ka-loveteam.Kaya naman ni Joshua na makilala bilang solo artist. I build- up na lang siya bilang dramatic actor na gaya nina John Loyd Cruz Jericho Rosales, Piolo Pascual among others. Pero sa tingin ko ha, nasa liga na rin ng tatlo si Joshua kung pag-arte rin lang ang pag-uusapan.
MILDRED BACUD:Feeling ko naman ang pagbibigay ng mga dance production number kay Joshua Garcia ay walang masama. While waiting sa mga projects siguro ay nilalagay muna siya sa nasabing show para visible pa rin sa mga tao.
Ganyan din naman ang ginagawa sa ibang artista ng Kapamilya, kapag wala pang project, isasalpak muna sa ASAP para di makalimutan ng tao. Marami rin kasing nagulong schedule nang dahil sa pandemyang ito. May gagawin sana siyang serye pero nakaantabay lang.
May ginawa nga siyang pelikula with direk Chito Rono entitled ” Mga Kaibigan ni Mama Susan” na intended sana nung nakaraan MMFF pero naudlot din.
Mas masarap ngang panoorin si Joshua sa drama pero breather din kasing nakikitang may iba siyang talent gaya ng pagsasayaw. Dancer naman talaga siya bago pasukin ang PBB. Matagal na nga lang napahinga sa pagsasayaw kaya hindi na siya perfect sa larangang ito.
I’m sure kapag may serye na ulit ay bihira na natin siya makitang sumasayaw sa ASAP
ROLDAN CASTRO: Mas nakilalang magaling na aktor si Joshua Garcia kesa humahataw sa dance floor.
Tili nga ng movie writer na si Tonee Coraza sa kanyang FB account,” Ginawa na nmang dancer si Joshua Garcia sa ASAP, awkward tingnan kc d nman tlaga sya dancer, TH ang dating!”
Sinagot naman siya ng netizen ng “Hahaha…di lang yata nakapag- practice…”
Pakli ni Toni, “nakakaloka sinasabayan nya ng mga pa cute na expression ang pagsasayaw nya lol.”
Hindi lang tayo nasana makitang sumasayaw si Joshua kaya may mga reaksyon na ganyan.
Pero sa true lang, enjoy ang mga fan pag nakikita nila ang mga idol nila na sumasayaw kahit matigas ang katawan pag sumasayaw. Kahit sabihin mong parehong kaliwa ang paa. Okey rin na mapanood nilang kumakanta ang paborito nilang artista kahit boses ipis ito.
Basta feeling ko maraming napapasaya si Joshua sa pagsasayaw niya.
RODEL FERNANDO: Agree ako Ka-Cuatros Roldan.Nasanay na lang siguro ang mga taong makitang umaarte lang si Joshua. Tama ka rin ka-Cuatros Rommel, kahit naman anong husay mo sumayaw kung kulang sa practice di ka makakasabay sa mga back up dancers mo at magmumukha kang di marunong. Next time na lang para di mapintasan ay mag-rehearse mabuti si Joshua sa kanyang dance number.
Dalawang lang naman ang pwedeng gawin ng aktor sa ASAP, either kumanta o sumayaw, mas pinili ang huli dahil nga sa pagiging dancer niya bago pumasok sa PBB.
Regular na nga natin napapanood ang young aktor sa ASAP Natin ‘To. Nakagawa na rin naman siya ng MMK kamakailan lang at sobrang pinuri ang pagganap niya rito. Sey naman ng isang source na malapit sa aktor, maraming nakaline up na projects ito at lahat ay mapapanood this 2021.
0 Comments