Sotto kayamanan ng bayan – coach

Ipinagtanggol si Kai Zachary Sotto ng dati niyang coach laban sa mga humuhusgang hilaw pa siya para maglaro sa Ignite Team sa 20th National Basketball Association G-League team na daan niya para makapag-NBA.

“Kai is a national treasure at hindi nararapat na isailalim sa matinding kritisismo sa kanyang edad at sa kanyang mga desisyon,” giit ng nakabase sa Davao pero Ateneo De Manila University-QC graduate basketball coach na si Cholo Elegino.

Hinirit pa niyang: “You just cannot criticized a talent like Kai. When I first set eyes on him when he was still 13-years old during the NBA Jr. program, I see him as a national treasure. Bibihira kasi na ang isang 13-yead old na tulad niya ay very talented agad, had skills, and knows how to play.”

Guest squad lang ang Ignite bilang developmental na sasalangan ng 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom kung saan NBA prospects ang ilang players ditto para sa taon ding itong NBA Draft.

Makailang ulit nang iniisnab din ng ilang US news portal sa mock drafts ang tubong Las Piñas binigyang-diin niya ang hindi niya ito iniinda dahil ang mahalaga ay ang aktuwal na magagawa at maitutulong niya sa team sa actual game

“I fully support Kai wherever he goes. Kayamanan ng bansa ‘yan, bihira ka lang makakita ng ganong height ng Pinoy. Hindi mo matuturo ang height sa basketball,” dugtong ni Elegino.

“Kailangan lang magsikap pang maigi para mag-improve pa ang kanyang skills. I hope’ yang mga criticisms na naririnig ni Kai, gawin niyang motivation to prove his critics wrong.” (Angelito Oredo)

The post Sotto kayamanan ng bayan – coach first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments