Julia handa nang magka-baby

Ano naman ang dapat nating reaksyon sa chikang ang pretty young miss Julia Barretto eh nakikita ang sarili niya na realtively young mom?

Sa isang morning show kung saan pinagluto ang magandang dilag ng chicken adobo, napag-usapan kung ano ang kanyang thoughts sa pag-aasawa.

As of today, wala pa sa hinagap niya ang pagpapakasal dahil nga “I am too young to think that far ahead” pero ang pagkakaroon ng supling, bet na bet niya na.

Kuda ni Barretto: “Gusto ko yung baby, yung maraming baby.”

May hanash rin siya tungkol dito sa isang podcast: “If I’m being completely honest kasi, I’ve always dreamt of having a family early on in life. Like, that was always my thing growing up. I always wanted to have a family at a young age. Because I want to have a lot of time, and I wanted to grow together with my family that I have made… I dream to become a housewife, but a housewife that’s like a boss-housewife heart but you should never lose yourself.”

Ayan ha, kwentas claras na sa ngayon, wala muna ang mga emeng to love and to hold, till death do us part para kay Julia pero pak na pak na siya sa go forth and multiply calling.

Ang tanong, sinong homme naman kaya ang papayag na maging sperm donor nitong si Barretto?

Kay Julia Barretto, if being a mommy dearest eh hinihingi mo na out loud, the Universe will conspire para ibigay sa iyo ang bundle of joy mo sooner than soon. At hindi naman kataka-taka na mabuntis ka dahil babae ka naman talaga,right?

3 aktor sa Voltes V nilantad na

Nagulantang ang digital universe at siyempre pa ang mga tumutok sa 24 Oras dahil tatlo sa mga gaganap sa “VoltesV Legacy” ay ipinakilala na.

Biglang naging the WHO no more sina Matt Lozano na siyang magiging Big Bert Armstrong, si Raphael Landicho ang magiging bunso sa Amrstrong brothers na si Little Jon, at si StarStruck season 7 avenger Radson Flores bags ang cowboy na si Mark Gordon.

Nakakatuwa na mga baguhan ang nabigyang break sa inaabangang pagbabalik ng ultra-electro magnetic robot na kumakabog sa mga Bozanian monster.

Tony, JC kabog ang KathNiel, LizQuen,JaDine

Sa BlackSheep kamunduhan naman, go for golden ang mga paglabas ng behind the scenes sweet photos nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Career na career nina Labrusca at Alcantara ang maging XavMi and they truly know how to make their fandoms kilig and want some more.

Ang mga larawan nila na captured ang unguarded moments na talaga namang saccharine na ang datingan, pati na rin ang kanilang TikTok dance collaborations, juice colored! Pang-araw ng mga puso na talaga ang audience impact.

Kung noon KathNiel, LizQuen at JaDine ang inaabangang kaganapan pag Valentine’s Day, ngayon JCTon bilang XavMi. Kulay pink talaga ngayon ang paandar at pakilig.

The post Julia handa nang magka-baby first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments