
Maraming pumupuna na wala sa porma ang bitaw sa malayo ni LaMelo Ball – galing sa dibdib, hindi sa balikat tulad ng ibang shooters.
Pinapabago nga ang release niya, pero ayaw ng 19-year-old rookie.
“I stick with it,” giit ni Ball. “This is how I shoot. I’m confident in it and I feel confident letting it go.”
Lunes ng gabi, nagliyab sa 3-point range si Ball at kinubabawan ng Charlotte Hornets ang dayong Houston Rockets 119-94 sa 75th NBA regular season game sa Ball Arena sa North Carolina.
Nagtuhog ang 19-year-old rookie ng career-high seven 3-pointers tungo sa 24 points, may 7 rebounds at 10 assists pa para iangat ang team sa 12-13 win-loss record at hilain ang kalaban sa 11-12.
Solido ring 19 pts. at 10 rebs. ang ambag ni Miles Bridges sa Charlotte, may maangas ding 19 markers si Gordon Hayward.
Namuno ang 21 points ni Victor Oladipo sa Houston.
Karamihan sa pinakawalang long-range bomb ni Ball ay halos dalawang dipa pa sa labas ng arc.
Sa last six games, 21 for 40 si Ball mula rainbow country.
Inumpisahan ng Hornets ang fourth quarter sa nakakangilong 19-1 run para pabukahin ang 90-84 lead pagkatapos ng three.
Natuyuan ng gasolina sa tangke ang Rockets pagkatapos ng 36 minutes, katiting na 7 points lang ang kinaya sa final 12 minutes. (Vladi Eduarte)
0 Comments