Leonard, Clippers nilublob ng Kings

Ginawang tuntungan ng Sacramento Kings ang panilat na 113-110 win laban kay Kawhi Leonard at Los Angeles Clippers para kolektahin ang pang-apat na sunod na panalo sa 75th NBA regular season game sa Staples Center sa California nitong Linggo.

Nagsumite si De’Aaron Fox ng 36 points at 7 assists, umayuda si Buddy Hield ng 22 points at 9 rebounds para sa Kings na pumanhik sa fourth straight win para sa overall 12-11 win-loss record, pinutong ang ikalawang olat sa LAC na gumulong sa 17-8..

Mula nang tambakan ng LA ng 19 noong Jan. 20, rumatsada ng 7-1 record ang Sacramento.

Binalikat ng 20 points at 10 rebounds ni Leonard ang Clippers, naglarong wala si Paul George (toe injury). Nagsalansan ng 23 points si Lou Williams para pangunahan ang 57 points na ambag ng Los Angeles reserves.

Walang lumamang ng double digits sa larong tinampukan ng 11 deadlocks.

Nagkaroon ng tsansa ang Clippers na humirit ng overtime pero kabyos ang panabla sanang 3-pointer ni Nicolas Batum. (Vladi Eduarte)

The post Leonard, Clippers nilublob ng Kings first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments