
Nag-number one trending si Sarah Geronimo kahapon sa Twitter habang ongoing ang ASAP Natin ‘To kaya at first, ang akala namin ay nagbalik na sa nasabing Sunday variety show si Popstar.
Matatandaang November 1 last year pa ang huling appearance ni Sarah sa ASAP stage at pagkatapos nito ay puro recorded na ang kanyang performance na sa ibang lugar kinukunan.
Sobrang missed na missed na siya hindi lang ng audience kungdi pati na rin ng mga co-hosts niya at ito ang dahilan kung bakit nag-trending ang singer/aktres kahapon lalo pa nga’t anniversary episode ng show.
Ramdam na ramdam ng Popsters (tawag sa kanyang fans) ang pagkawala ng kanilang idolo sa anniversary presentation kahapon dahil usually raw ay si Sarah ang opening number sa ganitong okasyon. Ipinakita nila ang pagka-miss by tweeting “weloveyou Sarah G” sa dulo ng kanilang mensahe.
“Can’t wait to see you again on stage. Weloveyou Sarah G,” ang tweet ng isang Popster.
“I’ll be patiently waiting for you, queen. I say, WELOVEYOU SARAH G,” post naman ng isa pang fan.
“Anniv pala ng @ASAPOFFICIAL kaya pala maganda mga performances nakakamiss lang si Sarah Geronimo mag opening ng asap yung tipong mala super bowl ang level ng opening with the G-Force,” tweet ng isa pa.
Sa kanyang Twitter account ay bumati si Sarah sa ASAP. She tweeted, “Happy 26th Anniversary ASAP!” na isa rin marahil sa dahilan ng kanyang pagte-trending.
One fan asked, “Ms Sarah, we are TFC subscribers and we deserve to know the truth. Did you quit ASAP???????????”
Samantala, maging ang mga co-hosts niya sa ASAP ay nanawagan kay Sarah na bumalik na siya.
“Sarah G. we miss you na!” sabi ni Regine Velasquez. Sagot naman ng mga co-hosts niya, “oo nga! Balik ka na sa ASAP!”
Ang newest member naman na si Janine Gutierrez ay nagsabi ring Popster siya kaya sobrang excited din siya na makasama si Sarah sa isang stage.
Sagot naman ni Regine, “nagpapahinga lang ngayon ang ate mo, kasi alam mo na, kakakasal lang, ganu’n talaga ‘yun, honeymoon. Ako rin nu’n hindi nagtatrabaho. Ganu’n talaga ‘yun. Tapos, eventually, magsasawa na kayo, magtatrabaho ka na ulit, gano’n.”
@@@
Yassi dinaan sa tula ang paalam kay Coco
Sobrang napamahal talaga kay Yassi Pressman ang FPJ’s Probinsyano at makikita ito sa kanyang ginawang farewell video with matching poem na ipinost niya sa kanyang YouTube channel at social media accounts.
As we all know ay nagtapos na nga last week ang karakter ni Yassi na si Alyana sa FPJAP last January 25. For five long years ay siya ang lead actress ng serye at leading lady ni Coco Martin.
Ayon kay Yassi sa kanyang farewell video titled “Ang Huling Paalam|| Alyana Arevalo-Dalisay” kulang daw ang mga salita para maipakita niya ang tunay na mensahe ng kanyang tula.
“Nagbago ang buhay ko noong pinasok ko ang mundong ‘to,” ang simul ani Yassi. “Hindi lang siya basta trabaho na kinailangan kong gawin, bagkus naging parte na siya ng aking sistema, tumatak na siya sa isip ko, sa pagkatao ko.”
Aniya pa, masaya, mahirap, masakit at masarap gampanan ang buhay ni Alyana pero ramdam na ramdam daw niya ang pagmamahal at suporta ng mga tao sa kanya.
Nagpasalamat si Yassi sa buong Dreamscape Entertainment sa pangunguna ni Deo Endrinal, gayundin sa kanyang Viva family, ABS-CBN family at FPJAP family sa tulong, suporta at pagtitiwalang ibinigay sa kanya.
“Dahil sa oportunidad na binigay ng mga taong ‘to, nagbago ang lahat pati ang buhay ng sariling pamilya ko, Ito ang dahilan kung bakit kami nagkaroon ng mas masayang buhay kasama ang tatay ko,” she said
“Maraming salamat sa inyo, sa lahat ng mga nakasama ko sa lungkot at saya,” she said.
Ang pinaka-finale ng kanyang pasasalamat ay siyempre, walang iba kungdi sa kanyang leading man na si Coco.
“Maraming salamat sa ‘yo dahil ikaw ang nag-iisang Cardo sa buhay ni Alyana. Mananatili ka pa ring parte ng buhay ko bilang matalik kong kaibigan.
“Kaya, Co, maraming salamat sa ‘yo, sa lahat ng tinulong at sa lahat ng tinuro mo,” ang mensahe ni Yassi sa leading man.
Tinapos ng aktres ang kanyang tula sa pamamagitan ng mga salitang “ako po si Alyana Arevalo-Dalisay. Pagkatapos ng limang taon, nagpapaalam.”
Sa video ay makikita rin ang mga memorable scenes ni Yassi sa FPJAP kabilang na ang naging talk of the town at nag-trending na death scene niya, gayundin ang mga behind the scenes sa last taping day niya sa serye.
The post Sarah trending sa pagkawala sa ASAP first appeared on Abante Tonite.
0 Comments