Coco, Julia ‘live in’ na

May early Valentine eme si Julia Montes nang magpost siya ng bouquet of flowers sa kanyang Instagram account.

May makahulugan pa itong caption na:
“I’m not afraid of tomorrow because I have you by my side.”

Sey ng mga netizen, obvious daw na sobrang inspired at in love daw ng aktres dahil mas feel nitong magpokus sa love life kesa career.

Hirit naman ng ilan, secure na raw kasi ang aktres sa piling ni Coco na kaya siyang buhayin at busugin ng pagmamahal nito.

May mga naintriga rin sa post nila ni Cardo Dalisay na kapansin-pansin ang iisa nilang gardenlike background.

Pang-uurot tuloy ng ilan, hindi raw kaya nagsasama na ang dalawa sa iisang bubong?

Si Julia ay matagal nang naiintrigang nanganak umano sa baby nila ni Coco.

Naging laman din ng balita dati si Coco nang may makitang feeding bottle sa kanyang kitchen.(Archie Liao)

The post Coco, Julia ‘live in’ na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments