Umaasa ang karamihan sa respondents sa Christine Dacera case na matapos na ang kalbaryong kinahaharap nila ngayon.
Patuloy pa ring umuusad ang imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Dacera noong January 1, 2021.
Sa kani-kanilang Instagram accounts, bumuhos ang suporta ng mga nakakakilala at mga ordinaryong netizens kina Valentine Rosales, Gigo de Guzman, at JP dela Serna.
Tatlo sila sa labing-isang respondents na sinampahan ng reklamo ng Makati PNP sa Makati City Prosecutor's Office.
Ang iba pang respondents ay sina Rommel Galido, John Paul Halili, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, at Ed Madrid.
Mababasa sa comments section ng kani-kanilang post ang mga positibong mensahe ng kanilang followers tungkol sa kinahaharap nilang kaso.
"I SURRENDER EVERYTHING TO GOD"
Nagpasalamat si Valentine sa lahat ng mga nagpapadala ng mensahe sa kanya.
Sa kanyang Instagram Stories noong February 2, isang araw bago ang ikatlong preliminary hearing ng kaso, sinabi nitong umaasa siyang malagpasan nilang magkakaibigan ang krisis na kinahaharap.
Aniya (published as is), “For those sending me messages, sobrang appreciate ko concern niyo sakin.
“sa totoo lang di ko alam pano ako magsisimula.
“ang tanging dasal ko lang ay matapos na muna tong kasong kinakaharap namin masyado nang malaking Damage nagawa neto.
“I surrender everything to God siya na bahala.”
"TOMORROW WE FIGHT THE TRUTH"
Sa kanyang Instagram Stories din noong February 2, sinabi ni Gigo na hindi nagtatagal ang mga matinding pagsubok, bagkus ay ang matatatag na tao.
Pero lalaban daw sila upang makamit ang katotohanan.
Mensahe niya: “Tough time never last… But tough people do. Tomorrow we fight for the truth.”
Nag-post din siya ng “note to self” ngayong araw, February 4.
Sabi ni Gigo, “Never forget how far you’ve become…
“All the times you have pushed on even when you feel you couldn’t…
“All the times you wanted to give up but you didn’t…
“Never forget how much strength you have learned along the way…
“And keep on going.”
"THANKS FOR MAKING ME FEEL SPECIAL"
Samantala, nagdiwang naman si JP ng kanyang kaarawan kahapon, February 3.
May kinahaharap mang problema, hindi niya pinalampas ang pagkakataon upang ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng bumati sa kanya.
Mensahe niya, “I thank each and every one of you for your lovely birthday wishes and for loving me. All of your wishes and blessings mean a lot to me!
“Sorry, I was busy so I wasn't able to reply to the calls and messages from my friends and some close ones. I hope you guys don’t mind.
“I thank my besties for being around me. I love you guys for making my birthday such a wonderful and memorable day of my life.
“Thanks for making me feel special and for being a special part of my life.
“Love you all, I so feel humble! Stay blessed.”
View this post on Instagram
Maraming bumati sa kanya at umaasang mapawalang-sala sila sa Dacera case.
Komento ng isang netizen: “Happy Birthday..birthday wish ko na sana mapawalang sala na kayo lahat at bumalik na sa normal ang lahat..God Bless You..and have healthy mind,body,soul and keep fighting.”
Sa February 11 gaganapin ang ika-apat na preliminary investigation ng kaso sa Makati City Prosecutor’s Office.
[ArticleReco:{"articles":["156479","156368","156360","156335"], "widget":"Hot Stories"}]
0 Comments