Kinunan ng reaksyon si Vice Ganda sa naging pahayag ni Anne Curtis na hinding-hindi niya iiwan ang It’s Showtime.
Sey naman ng co-host nitong si Karylle, kahit hindi na sabihin ni Anne, halata naman dahil natural na iyon sa kanilang samahan sa nasabing show.
Agad namang kinontra ni Vice Ganda ang sinabi ni Karylle at ipinaalala na may umalis din naman na dati nilang kasama.
Marami ang naintriga sa naging pahayag ng TV host-comedian na ikinagulat ng karamihan.
Hindi naman tinumbok ni Vice kung sino ang kanyang tinutukoy.
Gayunpaman, hindi maiwasang magkaroon ng kanya-kanyang hula at espekulasyon ang mga netizen.
Isa sa mga dating kasamahan nila ay si Billy Crawford na kasalukuyang host na rin ng isang noontime show sa TV5.
Maging ang hurado sa Tawag ng Tanghalan na si K Brosas ay nasa TV 5 na rin.
Sina Anne Curtis at Mariel Padilla naman ay kapuwa naka-leave dahil sa kanilang panganganak.
Ang isa pang pinagsusupetsahan ay ang dating It’s Showtime director na si Bobet Vidanes na wala na rin sa Kapamilya network.
The post Vice may pasaring kay Billy first appeared on Abante Tonite.
0 Comments