Malakas ang bulong-bulangan sa barberya, parlor, palengke, foot spa at sa higher places of power tungkol sa isang pangmalakasang bulong.
Having a feast at field day ang mga dalahira at katketa sa chikang inilalako na may isang artista, na may mahabang karanansang politikal, panalo ang track record at mahal ng kanyang mga hukbo ang mag-aanunsyo ng kaniyang pag-kandidatura para sa pinakamataas na posisyon sa ating Republika apat na buwan mula ngayon.
Settled na raw ang usapin kung sino ang kanyang magiging running mate. Si artista ang magiging on top sa politika at ang running mate ang bahala sa ekonomiya dahil isang kilalang businessman ito na mabango rin ang pangalon at solido ang reputasyon,
Sa mga artistang nasa politka sa kasalukuyan na may matinong track record at nirerespetong pangalan, namumukod tangi talaga sina Congresswoman Rosa Vilma Santos-Recto at Manila Mayor Isko Moreno.
Bukas na aklat ang palagiang pagtanggi ni Vilma sa tuwing ang pangalan niya ay sinasabing tatakbo para sa pangalawang pinakamataas na posisyon. Eh kung presidency kaya ang i-offer sa kanya, at hindi lang sangrekwang Vilmanians kundi ang sambayang Filipino ang humimok sa Star For All Seasons, makakahindi pa ba siya sa panawagan ng mas nakakarami?
Marami rin ang buong-buong ang simpatiya at pananalig sa kakayahan ni Cinderella Man Domagoso. Lahat tayo ay saksi sa leaps and bounds na improvement sa ating capital city.At hindi makakaila na iba ang karisma ni Mayor Domagoso at kanyang pangrahuyo sa tao ay hindi rin pwedeng balewalain.
Kaya pagdating ng Mayo, magkakaalaman na kung sino kina Vilma Santos at Isko Moreno ang magsasabing siya ay may hatid na bagong pag-asa at aakay, gigising at magpapaunlad sa Pilipinas nating mahal.
Puwede rin itong pantapat sa napapabalitang tandem nina Raffy Tulfo at Willie Revillame.
Tony,JC nagpakilig sa landian
May isang bidyo na pinagkakaguluhan ng mga XavMi fan sa Twitter. Siyempre pa, ang mga bida sa nasabing paandar, sina Tony Labrusca at JC Alcantara.
Ayokong manalig na kaya pinakawalan ang bidyo ay para mas lalong umingay at mag-init ang kanilang mga payanig para sa paparating nilang pelikula.
Kung dati, tila may hiya factor pa ang dalawang aktor sa tuwing sila ay magkasama, sa nasabing bidyo kitang-kita at damang-dama na talaga na they have broken the fourth wall at closer than close na silang dalawa.
Grabehan ang mahigpit na paghahawakan ng kanilang mga kamay. Ang kanilang eye locking, nagsusumigaw na para bang totohanan na ang lahat at hindi na biruan. Ang tamis ng mga ngiti, kakabugin ang coconut sugar. At may tender display pa si Alcantara na may lambing na paghaplos sa mukha ni Anthony, huh!
Juice colored! Mapa-online virtual landian or harap-harapang lambingan, wagas at tagos sa kilig ang hatid nina Tony at JC, huh!
Pinoy BL serye winner sa Brazil
Literal na winalis ng mga Filipino BL serye ang Brazil’s 2021 Central Boys Love Awards.
Ang “Gameboys”, ang pinaka-popular na Philippine BL series, apat na karangalan ang pinanalunan, Actor of the Year para kay Elijah Canlas) Actress of the Year si Adrianna So, Couple of the Year ang Cairo at Gavreel at sila rin ang hinirang na Cast of the Year.
Siyempre pa, hindi nagpakabog ang PangPang Couple mula sa “Gaya Sa Pelikula,” kina Ian at Paolo Pangilinan bilang Vlad at Karl ang Best Onscreen Kiss Award at si Papa Ian ang ginawaran na Revelation of the Year (Ian Pangilinan) at Surprise of the Year.
Ang third most important Pinoy BL, ang “Hello Stranger,: hindi rin luhaan dahil si Xavier, si Tony Labrusca ang tinanghal na Hottie of the Year.
Sa international victory na ito, ang pahayag ni Gameboys producer Perci Intalan: “We’re so thrilled to see the world recognize how good our performers, storytellers and stories can be! That we’re playing in the same field now as other countries who started in BL earlier means a lot.”
Ang tagumpay ng “Gameboys,” “Gaya Sa Pelikula” at “Hello Stranger” ay buhay na patotoo na ang mga kwnetong BL natin, ay talagang natatangi at humahaplos sa mga puso.
The post Vilma, Isko isasabong sa Tulfo-Revillame tandem first appeared on Abante Tonite.
0 Comments