Vin ,Sophie nagsasama na sa isang bahay

Proud na inanunsyo ng showbiz couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa kani-kanilang social media account na magsasama na sila sa isang bahay.

Ayon sa anouncement ni Sophie sa kanyang Instagram account, isa raw milestone para sa kanila ang pagsasama sa isang bubong at abala raw sila ngayon sa pagpapaayos ng kanilang bagong tahanan na magiging lovenest nila.

“Another milestone for us, WE ARE MOVING IN TOGETHER!!! One of the reasons why we’ve been so MIA is cause it has been quite a stressful process trying to get our home ready and finished. It’s moving a lot slower than we expected, but we’re hopeful that our home is coming together veeeeery slowly, but surely!! Konti nalang! Kapit lang,” post ni Sophie.

Sinegundahan naman ito ng kapatid ni Aljur Abrenica sa kanyang IG post.

“If you saw @itssophiealbert’s post, yes we are moving in together!! Sinabi na niya lahat eh. Wala na 😂 so eto nalang, to vlog or not to vlog? Sobrang dami naming natutunan sa process na ito. Malapit na malapit na matapos ang aming bahay!! Yahoo!” pahayag ni Vin.

Sa comments section ay katakot-takot na pagbati ang natanggap ng dalawa mula sa kanilang celebrity friends. Tuwang-tuwa rin ang kanilang SoVin fans na siyempre ay pabor na pabor na magkatuluyan sila.

Ang espekulasyon nga ay baka buntis umano si Sophie at may nag-comment din na netizen tungkol dito.

“I think she’s pregnant. Oh so happy for the both of them. Unang taon palang nila love na love ko na tong dalawang to eh,” komento ng netizen.

Well, 8 years na rin ang relasyon nina Vin and Sophie na nagsimula matapos nilang manalo sa Artista Academy ng TV5 noong 2012 kung saan ay pareho silang grand winners. Nagkahiwalay sila noong 2016 pero muling nagkabalikan in 2019 dahil talaga raw mahal na mahal nila ang isa’t isa.

The post Vin ,Sophie nagsasama na sa isang bahay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments