Yap kinarir golf

Hindi na lang sa basketbol maaaring ipambato kapag nagkataon si Philippine Basketball Association (PBA) star James Carlos Yap Sr. kundi na rin para sa larangan ng golf.

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, pinakita ng 38-anyos, 6-2 ang taas na forward buhat sa Escalante, ang pangmalakasang postura niya sa golf. Sinasamantala ng Rain or Shine guard/forward ang pagkakataon habang offseason ang professional league na April 9 pa magbubukas.

Umabot sa quarterfinals ang Elasto Painters sa nakaraang taong import-less conference kung saan kung saan nilasing ang team ng Barangay Ginebra San Miguel.

Inaasahang aangas pa rin si Yap at ang RoS sa nalalapit na torneo na maaring maging huling taon na niya bago magretiro. (Janiel Abby Toralba)

The post Yap kinarir golf first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments