
Nagpakitang gilas ura-urada sa kanyang debut matches bilang athletic scholar ng Penn State University Nittany Lion si Samantha Kyle Catantan nang umeskrima sa Ohio State Invitational nitong Linggo (Manila time) sa Columbus,USA.
Unang tinapatan ng PSU men’s at women’s fencing teams sa torneo ang kampo ng Notre Dame, Duke at North Carolina.
Sa ulat ng PSU, nakapagposte ng 3-0 kartada ang 19 na taong gulang na eskrimador na tubong Tondo, Maynila para makapagtala ng 7-2 win-loss record ang sa women’s foil event.
Nagwagi ng gold medal ang Pinay fencer sa individual foil ng 2019 Asian Under-23 Championship sa Thailand at sa sabi ring torneo sa women’s team foil noong 2018 sa Pasig ng national player pa ng Philippine Fencing Association Inc. (PFAI).
Nakadalawang bronze medal din siya sa nabanaggit na nasabing mga event sa PH 2019 Southeast Asian Games.
Si Catantan din ang susi ng University of the East Junior Warriors na naka-ninth straight girls championsips sa 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) high school fencing 2019-20. (Janiel Abby Toralba)
0 Comments