56 nahawa ng virus sa face-to-face class

Umabot na sa 56 guro at estudyante ang nagposi-tibo sa COVID-19 simula nang umpisahan ang li-mitadong face-to-face classes sa kolehiyo noong Enero.

Inihayag ito sa Laging Handa public briefing ni CHED chairperson Prospero de Vera subalit wala pa aniyang 1% ng mga taong lumalahok sa limitadong face-to-face class sa kolehiyo ang tinamaan ng virus.

Sa naturang kabuuang bilang aniya, 41 ang estudyante na pawang asymptomatic o walang anumang naramdamang sintomas ng COVID habang 15 naman ang faculty member.

Sa kabila nito, sinabi ni De Vera na wala pang nakakabahala dito dahil ang naturang bilang ay napakaliit na porsiyento lamang kumpara sa infection rate na nagaganap sa labas ng mga unibersidad.

Nanindigan pa si De Vera na mas ligtas pa rin ang limitadong face-to-face class kumpara sa ibang mga aktibidad na ginagawa ng ilang indibidwal.

Aniya, kabilang sa mga kurso na prayoridad sa limited face-to-face class ay ang mga nangangailangan ng clinical internship katulad ng mga doktor, nurse, physical therapist, midwife at iba pang health worker. (Dolly B. Cabreza)

The post 56 nahawa ng virus sa face-to-face class first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments