Pinagtibay ng Kamara nitong Martes ang isang resolusyon na nagdedeklara ng krisis sa pabahay sa bansa.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), tinatayang 1,898,933 pamilya ang mga informal settler sa bansa at 478,899 rito ang nasa National Capital Region (NCR).
Sa susunod na taon ay tinatayang aabot umano sa 6,796,910 housing unit ang kulang sa bansa.
Mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2020 ay nakapagtayo lamang ang gobyerno ng 777,879 housing unit. Ang gobyerno naman ay naglalaan ng average na 0.74% ng national budget para sa pabahay mula 2010 hanggang 2021.
Tumatagal umano ng dalawa hanggang apat na taon bago makapagsimula ang isang housing project dahil sa mahabang proseso na pinagdaraanan nito. (Billy Begas)
The post Krisis sa pabahay dineklara ng Kamara first appeared on Abante Tonite.
0 Comments