Community quarantine pinarepaso ni Digong

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbutihin pa ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic matapos na makapagtala ng record high na 22,366 bagong kaso nitong Lunes, Agosto 30.

Sa kanyang ‘Talk to the People’, sinabi ng Pangulo na kailangang pag-aralan muli ang mga ipinatutupad na hakbang para hindi magtuloy-tuloy ang pagdami ng kontaminasyon sa mabagsik na virus.

“Anak ng… Whether the rise in the number of cases due to the Delta variant or not, we need to recalibrate our res­ponse,” sabi ng Pangulo.

Kailangan aniya pag-aralan kung mas epektibo ang pagpapatupad ng granular o localized lockdown para higit na mabantayan ang pagkalat ng COVID.

Inatasan ng Pangulo ang National Task Force Against COVID-19 na pag-aralan ang mas mabisang paraan para mapigil ang pagkalat ng virus at pagtaas ng mga nagkakasakit ng COVID-19. (Aileen Taliping)

The post Community quarantine pinarepaso ni Digong first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments