Pasado na sa Kamara ang panukala na magbibigay ng tax exemption sa importasyon at produksiyon ng mga medical supply ngayong panahon ng public health emergency.
Sa botong 202 pabor, walang kumontra at walang absention, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 889 o Public Health Emergency Tax Exemption Act nitong Martes.
Sa ilalim ng panukala, gagawa ang Department of Health (DOH) at Department of Finance (DOF) ng listahan ng mga produkto na ililibre sa value-added tax, customs duties at iba pang bayarin.
Ang mga indibidwal o kompanya na magbibigay ng critical medical product, essential good at iba pang gamit na kailangan sa panahon ng public emergency ay ililibre rin sa donor’s tax. (Billy Begas/Eralyn Prado)
The post Libreng buwis inaprub sa mga medical supply first appeared on Abante Tonite.
0 Comments