Gierran ipinatawag sa MalacaƱang

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) president Dante Gierran para tanungin kung bakit natatagalan ang pagbabayad sa claims ng mga pribadong ospital.

Sa kanyang ‘Talk to the People’, sinabi ng Pangulo na ipinaliwanag ng PhilHealth chief na bulto-bultong resibo ang kanilang bina-validate kaya natatagalan ang proseso.

Ikinatwiran din aniya ni Gierran na kulang sila ngayon sa mga tauhan dahil maraming empleyado ng PhilHealth na tinamaan ng COVID-19. Kahit umano bigyan sila ng 50 katao ngayon ay hindi agad matatapos ang pag-validate sa bulto-bultong resibo na isinumite sa kanila.

Sinabi ng Pangulo na hindi puwedeng madaliin ni Gierran ang ginagawa ngayon at kailangan nitong mag-ingat dahil ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa dating nangasiwa sa ahensiya.(Aileen Taliping)

The post Gierran ipinatawag sa MalacaƱang first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments