Kada Pinoy may P106K utang

Umabot na sa P11.61 trilyon ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas noong katapusan ng Hulyo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr) kahapon.

Kung hahatiin ito sa 109 milyong Pilipino, sanggol man o matanda, ang utang ay papatak sa P106,518.03 bawat isa.

Ayon sa datos ng BTr, nadagdagan ng P444.4 bilyon ang utang ng Pilipinas noong Hulyo mula sa P11.2 trilyon noong Hunyo. Mas malaki ang inutang nitong Hulyo sa labas ng bansa na umabot sa P263.4 bilyon samantalang P181 bilyon ang inutang sa loob ng bansa.

Wala pang P6 trilyon ang utang ng Pilipinas bago umupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang at sigurado umanong madodoble ito bago pa man matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022.

Sinisi ng BTr ang paglago ng utang ng bansa sa patuloy na pangungutang ng gobyerno na pinalala pa ng paghina ng piso laban sa dolyar. (Eileen Mencias)

The post Kada Pinoy may P106K utang first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments